Stella Hamilton
Malakas na hangin ang humahampas sa aking mukha habang tinatanaw ko ang malayong isla. Magkahalong tunog ng bangkang de motor at alon ng dagat ang naghahari sa paligid. Muli kong naalala ang panahon na akala ko ay katapusan ko na - ito ang dahilan kaya't nagkaroon ako ng takot sa tuwing dumadaan ako sa dalampasigan.
Pinagsaklop ko ang kamay namin ni Kurt. Tinignan ko ang mukha niya at agad kong hinalikan sa pisngi; agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya. I really love this man. Because of him I learned to face my weaknesses.
"Nandito na po tayo!" sigaw ng bangkero nang makarating kami sa isla. Inayos ko muna ang summer hat at shades ko. Kailangan kasi namin itago kahit paano ang aming mukha dahil hindi ordinaryong lugar ang isla na ito. Agad kaming tumayo at maingat na umakyat sa kahoy patungo sa maputing buhangin ng baybayin.
Namamangha kong pinagmasdan ang Viridian Island dahil namumukod tangi napapalibutan ito ng mga luntian na mga puno. This island is owned by Hunter Organization. Binili ang islang ito para dito opisyal na itatag ang Headquarters at ang Hunter Academia.
Maraming mga naglalakihang truck at construction materials ang nakakalat sa isla. Hindi pa ganap na tapos ang paaralan subalit malapit na itong mabuo. Masyadong mabilis ang plano ng organisasyon at sinasabay ito sa pagtatalaga sa bagong Hunter King.
"Saan po tayo?" tanong ng isang lalaki nang lumapit kami sa nakahelerang Jeep Wrangler-nakasuot siya ng puting polo at may maliit na logo ng organisasyon sa kanang dibdib niya.
"Main office po," tugon ko. Tinignan ko ang sasakyan. Tanaw ko ang malaking logo ng Hunter Organization sa nguso nito.
Pinagmasdan ko ang kakahuyan habang nakasandal sa upuan. Matatayog ang mga puno at bakas ang katandaan dahil sa naglalakihang mga katawan at sanga nito. Tahimik sa loob ng kagubatan subalit nakakalat sa daan ang mga kuneho, ibon, at may mga nakasabit na unggoy sa puno; tila sanay na sila sa mga tao.
Mabato ang tinatahak namin na daan at pataas nang pataas ang pinatutunguhan namin. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang tuktok ng gusali na kung saan nandoon ang tanda ng Hunter Organization. Bagong tayo din ito dahil wala namang opisyal na gusali noon ang samahan.
Isang matayog na tarangkahan na may simbulo ng Hunter Organization ang unti-unting bumubukas. Pumasok ang sinasakyan namin at muli ay sinalubong kami ng matatayog na puno. Huminto ang sasakyan sa tapat ng gusali na kung saan ay sinalubong kami ng dalawang lalaking naka black suit.
We showed them our hand where the silver Hunter Ring was placed on our finger. Tanging ang ihahalal na bagong Hunter King lamang ang may karapatang magsuot ng gold ring. Ito ang bagong gawa ng Harpia. Napagkasunduan ng Hunter Organization na magkaroon ng opisyal na pagkakakilanlan ang mga miyembro ng samahan.
Pagpasok namin sa loob ay sumisigaw ng karangyaan at kamodernohan ang lugar. Nilibot ko ang tingin at pinagmasdan ang mga hi-tech furniture. Hindi na ako nagtaka nang makita ang tatak ng aming kumpanya.
Kurt held my hand tightly as we entered the elevator. This is one I want to overcome. Apart from seeing a specialist, Kurt also helps me get through it.
Mabilis ang tibok ng puso ko nang gumalaw ang elevator ngunit agad akong nakaramdam ng kapayapaan nang pumulupot ang maiinit na bisig ni Kurt sa katawan ko; pinaglapit niya ang aming katawan.
Nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang elevator senyales na nasa tuktok na kami.
Ngumiti ako sa kanya bago kami lumabas. "Thank you, Kurt." Hinalikan niya ako sa noo bago nagpatuloy maglakad.
Huminto kami sa pintuan kung saan may nakasulat na "Chairman." Tatlong katok ang ginawad ko bago kami pumasok.
Dalawang lalaki ang nasa loob ng kwarto. Nakasuot sila ng business suit at maskara na nagtatakip sa kalahati ng mukha nila. Bakas sa kanila ang kapangyarihan at bagamat may katandaan na ay hindi maitatanggi na magagandang lalaki ang mga ito noong kabataan nila. Ngumiti sila sa akin at sabay na tumayo.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoesieFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...