Steven Kurt
Napasandal ako sa puno dahil nanghihina ako sa aking nasaksihan. Ang bigat sa dibdib na hindi man lang niya nilayo ang sarili sa ibang lalaki.
"Thor, alam mong si Kurt lang ang laman ng puso ko. Ang tanging lalaki na gusto kong maging ama ng mga anak ko."
Natulos ako sa kinatatayuan ko at tila umurong ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang umangat ang aking labi. Stella really loves me.
"Hindi mo naman talaga ako mahal. Nararamdaman kong may ibang laman ang puso mo ayaw mo lang aminin dahil binaon mo sa isip mo na ako ang mahal mo."
Nanatili akong nakasandal sa puno at nakikinig sa kanila.
"At huwag mo na ako hahalikan sa pisngi. Si Josh nga pinagbawalan ko na."
Agad akong sumilip mula sa pinagtataguang puno dahil sa narinig ko. Akala ko sa lips, sa pisngi lang pala. Pero kahit na! Wala silang karapatan. Very good, Stella.
Gusto ko ng lumabas dito sa likod ng puno pero sa kabilang banda naisip ko na bigyan sila ng oras at pagkakataon. Hindi naman ako madamot. Huwag lang niyang agawin si Stella.
"Darating ang panahon ay aaminin mo din na mahal mo siya. Hindi ko na babanggitin ang pangalan niya dahil alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko."
Hector was silent for a moment because of what Stella said. "Hindi kita maintindihan. Ikaw lang naman ang lagi kong iniisip."
"Maiintindhihan mo din ako, Thor."
Napansin ko ang kuminang na bagay sa ilalim ng mata ni Hector. "S-Siguro kailangan ko munang l-lumayo," nahimigan ko ang panginginig ng kanyang boses.
Itinaas ni Stella ang kamay niya papunta sa mukha ni Hector. "Huwag ka ng umiyak. Hindi ako karapat-dapat sa mga luha mo."
Niyakap siya ni Stella at gumapang ang kamay ni Hector sa likod niya na para bang mahigpit itong niyakap. Nasasaktan ako kasi gusto ko ako lang pero pagbibigyan ko muna siya dahil nararamdaman ko kung gaano kasakit ang mga katotohanan na wala siyang pag-asa.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang may malamig na bagay ang tumama sa leeg ko. "Sumunod kayo sa akin." Kilala ko ang boses na 'yon.
Hindi ko siya makita dahil nasa likuran siya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinulak kaya naman napalakad ako. Pa simple akong lumingon at doon ko lang napansin na wala na ang mga kasama ko. Where are they?
We went into the woods and there I saw Blake. He let go of me. I turned to him as soon as he let go of my hand. "What's your problem, Kuya Zander?" I asked and looked at Xyrus, Mario, Luigi and Luke.
"Why are you here? Paano ninyo kami nahanap?" masungit na tanong niya.
"I talked to your dad. Pinapahanap kayo sa akin at may pinapasabi. Why are you hiding?"
Sumandal siya sa puno at tinignan ako. "Huwag mo na sabihin ang pinapasabi ni dad. Alam na namin 'yon ni Stella. Higit sa lahat hindi naman kami nagtatago. Ewan ko ba sa'yo bakit ngayon ninyo lang kami nakita."
Is he insane? He should have informed us the truth about Stella's condition. Hindi 'yung para kaming tanga kakahanap. Kung hindi niya lang ito kapatid ay paniguradong nasuntok ko na.
"We can't go back to the city right now because there's still Scorpius left. Maddox is dead but they have a lot of members," Xyrus explained.
"Tinutugis na ito ng Hunter Association pero mahusay silang magtago. Kaya mainam na magpalakas muna dito sa Isla Astralias," dagdag ni Luigi.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
شِعرFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...