"I appreciate you as a friend, but I'm not interested in any romantic relationship. I'm sorry."
Dinig na dinig ko kung gaano kalamig ang aking boses. Hindi man lang ako nakapag dahan-dahan sa pagsasalita kaya't hindi na ako magtataka sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.
Bumagsak ang pumpon ng mga bulaklak na hawak niya at bakas sa kanyang mata ang kalungkutan. Nabalot ng katahimikan ang paligid at matagal bago siya nakapagsalita.
"Why?" ang tanging tanong na lumabas sa kanyang basag na boses.
Hindi ko siya gustong saktan subalit higit na nananaig sa akin na gawin ang nararapat. I am here to do my duty.
Humugot ako ng hangin mula sa aking dibdib upang magkaroon ng lakas ng loob bago tumingin sa kanya.
"Because that emotion will ruin my mind. I'm not ready to love you back," matapang na tugon ko sa kabila ng bigat na nararamdaman.
Mahalaga siya sa akin subalit mas mahalaga sa akin ang sinumpaang tungkulin.
I need to prioritize my duty as a Campus Hunter.
***
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...