Steven Kurt
Tuluyang gumuho ang mundo ko nang mawala siya sa kamay ko.
"Why didn't you save her!" bulyaw ni Kuya Zander then he hit my face. Hindi ako gumanti. I deserved this. Niligtas niya ako pero hindi ko naagaw ang kamay ni Stella.
Nalasahan ko ang dugo sa aking labi. Kulang pa ito, kulang pa sa kapabayaang ginawa ko.
"Stop it Zander!" Xyrus grabbed his arms. "Walang gustong mangyari ito!"
Ilang oras nang hinahanap si Stella. Sumaklolo ang Hunter Association matapos tumakas ng ilang Scorpius. Ang lahat ay hindi nag-aksaya ng oras.
Umabot ng gabi, araw at linggo subalit ang natagpuan lang ay ang bangkay ni Maximo Aurelius. Ni anino ni Stella ay hindi namin naramdaman.
Nakatitig ako sa dagat habang nakatayo nang maramdaman kong may tumabi sa akin.
"Ilang araw na tayo dito pero hindi pa din natin makita ang bangkay ni Stella." Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Luke. How dare him to say those words! Anong bangkay ang pinagsasabi niya? She's not dead!
Nararamdaman ko ang init sa aking katawan. All the anger is building up in my blood. Awtomatikong pinalipad ko ang aking kamao kay Luke sunod-sunod ang aking ginawa; hindi man lang siya umiiwas.
"Take back what you said, she's not dead!" asik ko sa kanya.
Sa pagkakataong ito at gumanti siya ng suntok sa akin at tinamaan ako sa mukha. "Ikaw ang may huling hawak kay Stella!" Hindi man niya sabihin pero nararamdaman kong sinisisi niya ako. It's really my fault.
Napaluhod ako at hindi ko na mapigilan ang aking emosyon. Sunod-sunod nagbagsakan ang mga luha ko.
Araw-araw akong nandito sa tabi ng dagat baka sakaling bumalik siya; baka sakaling makita ko siyang muli.
"Let's go Steven. Auntie is worried about you," si Cloud.
Nakarinig ako ng tunog ng busina. "C'mon!" sigaw ni Blake.
"Magdidilim na at delikado na ang daan," ani Red.
"I'm hungry," saad Troy at tumunog ang tiyan niya. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ay natawa na ako but how can I smile again when she is no longer beside me.
We went back to the city and headed to the restaurant to eat. Kailangan ko na din bumalik. Kailangan din ako ni mom.
Nagpahatid ako sa aming bahay at paglabas ko sa sasakyan ay natanaw ko siya, agad akong niyakap ni mom.
"I'm worried. You haven't been home in days," her voice showed concern.
Gumanti ako ng yakap sa kanya. "I'm sorry mom," ang tanging nasambit ko at mahigpit niya akong niyakap."I'm always here for you son, makikita din natin siya."
Muli akong umiyak sa kanyang balikat at para akong batang pinapatahan niya.
Ilang oras na akong nakahiga sa kama subalit hindi ako makatulog. I always think of her. Tumayo ako at may kinuha akong notebook mula sa aking drawer.
I smiled when I saw the first page of my notebook. I saw the name Stella. Ito ang pinangalan ko sa notebook. I made this when I realized I loved her. Mabuti na lang at naisipan ko noon na kuhanan siya ng mga litrato nang hindi niya alam.
Binuksan ko ang pahina at nakita kong muli ang larawan niya na natutulog sa Clinic. Ito ang panahon na niligtas niya si Luke.Unang araw pa lang na nakita ko si Stella ay naghinala na ako sa kanya. I didn't expect na may tao noon sa field dahil ang lahat ay nasa canteen. Malakas ang pagkasipa ko ng bola and I was surprised nang maiwasan niya ito. Hindi ko na lang ito pinansin subalit habang tumatagal ay nararamdaman kong may kakaiba sa kanya.
Nang mapatunayan ko na Hunter si Stella ay mahal ko pa din siya. Nandoon lang ang galit ko sa Hunters dahil sa pagkawala ng ama ko. Subalit dahil din sa kanya ay bumalik ako dahil alam ko sa sarili ko na tuluyan na akong nilamon ng pag-ibig.
I remember when he called me Kurt. Sina dad at mom lang noon ang tumatawag sa akin sa second name but I just let her. Ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag sa akin nito.
Marga also called me Kurt not because she loved me. Ang sabi niya sa akin noon ay hayaan ko daw siya na tawagin ako sa paraan na gusto niya kung hindi ay magpapakamatay siya. Until we discovered her secret. She's controlled by Maximo and her duty was to destroy Adler Hamilton's daughter. Kaya nagulat ako nang halikan niya ako sa battle ring then I realized na may nanonood sa amin; sino pa nga ba. Madaming mata si Maximo Aurelius.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...