Chapter 24: Freshman Case

2.8K 127 24
                                    

Tinignan ko ang lalaki na tulala at nanginginig. Rumaragasa ang luha sa kanyang mga mata at patakbong lumapit sa biktima subalit agad ko siyang napigilan. Tinulungan naman ako ng isang lalaki at ng dalawang babae upang pakalmahin siya. Agad ko siyang dinala sa kusina upang hindi makita ang biktima.

"What happened?" tanong ko sa kanila nang kumalma na ang paligid.

"Narinig lang namin na sumigaw si Marco kaya naglabasan kami at tumungo dito." Tugon ng babae na may tuwalya pa sa ulo. Bakas din sa mukha niya ang pagkatakot.

Kinuha ko ang gloves sa bag, mabuti na lang at lagi akong may dala nito. "Dito lang kayo," bilin ko sa kanila.

Lumapit ako sa biktima at hinawakan ang pulsuhan nito, tulad ng inaasahan ay wala na itong buhay. There's already evidence of the development of rigor mortis. The body is already cold and stiff, probably the time of death is 8 to 36 hours. Bago ko binitawan ang biktima ay napansin ko ang tuyong dugo sa daliri nito. Agad kong tinawagan si Brandon upang masuri ng mga eksperto.

The criminal always return to the crime scene kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon. While waiting for SOCO ay inisa-isa ko ang paliwanag ng limang tao sa kwarto.

"I was the first to see Claire," Marco replied while holding the glass tightly.

Napakunot noo ako sa sinabi niya. The left wing is the female side unit from 100-149. The right wing is for men from 150-199. "How did you get here in unit 113? You should be on the right wing"

Malakas siyang bumuntong-hininga, "Claire is my girlfriend since Junior High. Kagabi nang hinatid ko siya ay iniwan niya ulit sa akin ang ID niya para sabay kami mag breakfast. We always do this every weekend until Monday morning dahil wala siyang kasama every weekend. Hindi na din kasi siya umuuwi sa kanila dahil parehas kami na nasa malayong probinsya pa nakatira," sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Marco at bakas ang sakit sa pagkawala ng kasintahan.

"We didn't know Claire could commit suicide," tugon ng babaeng may tuwalya sa ulo.

"She didn't commit suicide Lily!" Marco yelled at the person next to him kaya napaatras ng upo si Lily. "May pumatay sa kanya."

Tumahimik ang paligid dahil sa sinabi niya kaya pinagpatuloy ko ang tanong. "What are you four doing here inside Claire's unit?"

"Eh ikaw bakit ka nandito?" agad na tanong ng lalaking nakasuot ng cap. "It's true that you solved Nadia Quilet's case but you don't have the right to investigate. You're just a student. You shouldn't be in this unit either." Nakita ko ang pagtango ng lalaking naka PE uniform na nagpakilala kanina bilang si Felix at ang isang babaeng naka panjamas na si Alice.

I was about to answer when Marco punched the table. "Shut up Eric! Why are you here?!" matalim ang tingin niya sa lalaking nasa tapat niya.

Eric didn't answer and just smiled at Marco. I stood up because I knew they wouldn't cooperate when Eric said that.

"I called the police. Let's wait for the authorities" I left them and looked at the crime scene. Nakita ko din ang pagtayo nila.

The victim was lying on the floor and wearing only a towel. I touched the victim's face using my gloves to check the mark on her neck. It has a long mark around the neck. The mark is not straight because it has a square trace on the left side of the neck. There are also two bruises below this mark, it looks like fingermarks. These fingermarks look similar to the extent of the pressure that caused the bruise.

I stood up and touched the blanket tied to the led chandelier. At first glance it seems like suicide but impossible. I pulled out the blanket and the chandelier immediately moved. If the victim weighs forty plus kilos ay hindi siya kakayanin nito, kasama itong babagsak sa kanya.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon