Chapter 52: Message

35.6K 931 121
                                    

After the Battle of the Bands the academy became quiet. The expulsion of Troy, Blake, and Red also spread throughout campus. Nag-aayos na sila ng papeles at gamit para sa pag-alis nila. Talagang tinotoo ang kasunduan. S'yempre hindi kasama si Marga; alaga siya ni Maximo. But after that concert I never saw Marga again.

I am here today inside the IA Museum with Luke. I wasn't with Cloud because until now I couldn't admit to Kurt who I really was. Hunter din naman siya kaya lang noon 'yun. Galit siya sa Hunters ngayon.

Nasa isang gallery painting kami dahil may gusto kaming tingnan- ang replika ng Spoliarium. I told Luke the details I found out about Thor kaya aalamin namin kung saang lupalop matatagpuan ang Spolarium na tinutukoy ni Brandon. Sigurado kaming dito lang iyon sa IA.

Luke turned to the painting and stared at it. I also went to the Spoliarium and looked as well. Similar to Juan Luna's painting, the only difference is that it is a smaller version.

"Stella tignan mo!" tarantang pahayag niya. Sinundan ng mata ko ang tinuturo ng kanyang daliri. Inilapit ko pa ang mukha ko sa painting at gayon na lamang ang gulat ko nang may nakita akong maliit na simbulo sa tabi ng babaeng naghihinagpis: ang simbulo ng Scorpius.

Nagkatinginan kaming dalawa. "May posibilidad ba na nandito ang Spoliarium?" bulong ko sa kanya. "Ano ba ang Spoliarium bukod sa isang painting? baka makakuha tayo ng lead?" Honestly, I only have a common knowledge about that painting.

"Ang Spoliarium ay isang salitang Latin na tumutukoy sa pinakailalim na silong ng Roman Colosseum na kung saan ang mga patay at malapit nang mamatay ay itinatambak doon," paliwanag ni Luke.

"You mean the Spoliarium could be an underground cell?" There's a possibility na nasa loob ng hideout nila matatagpuan ang Spoliarium.

"Posible!" saad ni Luke.

Couldn't this be the dungeon that Kurt, Cloud and I went to? Kung gayon, imposibleng makapasok muli kami dahil sigurado akong maraming bantay doon lalo na't nalaman na nakapasok kami.

Nilibot ko ang tingin ko sa gallery at natuon nanaman ang pansin ko sa painting na "Babaylan 1890" ang painting na mala-exorcist ang dating. Hindi ko maiwasang kilabutan sa tuwing nakikita ko ito. Para kasi talaga siyang totoo.

"Aggghh."

Napatingin ako sa katabi ko na biglang dumaing.

My eyes widened at what I saw. "Luke! You have a wound," nag-aalalang sambit ko. Agad na tinapalan ko ng panyo ang kanyang pisngi.

Napansin kong nakatutok ang mata niya sa painting na tinitignan ko kanina kaya't sinundan ko ang kanyang tingin. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. May isang punyal na nakatusok sa painting.

Agad akong lumingon sa paligid ngunit ni anino ay wala akong nakita. "Luke umalis na tayo delikado tayo dito." Wala masyadong bumibisita sa Museo lalo na't mag alas-sais na kaya't dalawa lang kami ang nandito sa gallery.

"Sandali," seryosong pahayag niya at lumapit siya sa painting. Doon ko nakita ng malapitan na tumama ang punyal sa salitang baybayin na nasa painting. Binasa niya ang nakasulat dito. "Ikaw ang susunod." Luke and I knew we were both in a dangerous situation.

He took the dagger with his own handkerchief and examined it. I also saw an engraved symbol on it, none other than Scorpius. They are starting again but I am ready; we are ready to face them.

Hindi din kami nagtagal dahil habang dumidilim alam naming lumalabas na ang mga lobo. Umalis na kami at hinatid na niya ako sa tapat ng unit.

"Bye Luke! Thanks!" paalam ko nang ihatid ako sa unit at sinara ko ang pinto. Pagharap ko ay napansin ko ang dalawang kasama ko na nakasandal sa pader.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon