Hunter code names
Stella: Akira, Kurt: Draco, Cloud: Spyro, Blake: Grima, Troy: Thorn, Red: Errol, Josh: Aki, Luke: Pablo, Carl: Ace.
***
Maaga akong gumising kinabukasan at hinanda ang mga importanteng gamit para mamaya. Kumusta kaya sila sa underground gym? Hindi ko kasi kasama si kuya na umuwi kagabi.
Bumaba ako dala ang backpack at narinig ko ang boses ni Manang Cha.
"Hija may bisita ka maghihintay na lang daw siya sa labas." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman ang bibisita ng ganitong kaaga?
"Mauna na po ako manang Cha!" sambit ko sa kanya.
"Hindi ka ba muna mag-aalmusal hija?" ani niya habang nagluluto.
Umiling ako. "Hindi na po, sa school na lang po." At mabilis akong nagtungo palabas ng bahay.
Agad na natanaw ko sa gate ang isang pamilyar na sasakyan. Bakit nandito siya? Lumabas ang lalaki sa sasakyan at ningitian ako. "Good morning."
Unti-unti akong lumapit patungo sa kanya. "Good morning. Bakit ikaw nandito? Si kuya?"
"Kuya Zander told me to pick you up. Busy sila sa HQ ninyo." Nakiki-kuya na din. Kailan pa sila naging close?
Hindi ito ang unang pagkakataon na magkasabay kami. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan at ramdam ko ang pasulyap-sulyap na tingin niya sa akin. Kahit walang masyadong sasakyan sa kalsada ay ayoko pa din maaksidente.
"Do you want to say something?" Di ko mapigilan itanong sa kanya. "Kasi kung wala ay sa kalye ka lang tumingin baka mabangga tayo."
Tumingin ako sa kanya at nasilayan ko ang kanyang pagngiti. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinagsaklop ito sa palad niya. "I love you."
Mabilis na tumibok ang puso ko kahit na ilang beses ko na itong narinig sa kanya. "Mag drive ka nga ng maayos Kurt!" Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at nakangiti itong nakatingin sa daan.
"Hayaan mo lang ako. Natatakot lang ako sa maaring mangyari sa atin mamaya. Ayokong mapahamak ka."
Malungkot akong ngumiti sa sinabi niya. Scorpius is the strongest hunter group kaya walang kasiguraduhan ang lahat ng mangyayari mamaya. Hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay niya. "Don't worry about me. Marami tayong kakampi." Iyong ang pinagpapasalamat ko. Marami ang nabuo sa alyansa.
Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya kakaunti lang ang mga studyante; madami ang magsisiuwian. Medyo safe talaga kung ngayon gagawin ang plano.
Dahil weekends ngayon ay maaari ang labas pasok sa Intelligent Academy subalit mas pinili namin na dumaan sa New Library ni Miss Tervan. Tahimik ang buong library, mukhang wala pa siya sa opisina.
Nag-ayos na ako sa loob ng office habang si Kurt ay nasa labas. I wear my usual clothes kapag ginagawa namin ang misyon namin sa Hunter Association. Dark blue tight pants and long sleeve na gawa pa nila Master Hikari kaya may mga kakaiba itong bakal at disenyo at ang tela nito ay makapal. Sa likod ng cloak na suot ko ay nakaburda ang hunter group namin: ang Phoenix.
Kinuha ko ang dagger na bigay noon ni kuya at inilagay ko ito sa kaliwa kong hita. Niligay ko din sa magkabilaan ang dalawang baril. Sa likod naman ay sinabit ko ang aking katana. Sinuot ko na ang hood at maskara at tuluyang lumabas na sa unit.
Pagkalabas ko ay doon ko nakita si Kurt na nag-aabang sa akin. Ang ayos niya ay katulad din sa akin ang pinagkaiba lang ay may nakaburdang dragon sa likod ng cloak niya.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...