Chapter 12: Notorious Hunters

3.9K 162 2
                                    

Hindi ordinaryong leader ang mayroon sa misyon na ito. Mukhang hindi ito alam ni General Alejo.

"General, despite the fact that the leader was not captured, we determined that they were from Scorpius because of the scorpion tattoos we saw in our battle," Hiroshi answered.

This is something we have all noticed. Ang problema isa din silang hunter, the Hunter Organization's most powerful faction. Alam namin na madumi silang gumalaw but we didn't expect that the hunter is also a syndicate.

"Scorpius?" General Alejo asked in astonishment. "The Armed Forces and National Police approached the Scorpius about joining the special task force. How did the Hunter Organization end up in such a state? Of all the Hunter groups, Scorpius is the syndicate? "

We exchanged glances as we realized that the current state of the Hunter Organization had not yet surfaced. Bagamat alam ni General Alejo na may masamang hunters maaring di sumagi sa isip niya ang pinagkakatiwalaang grupo.

"General, it's been five years since the Hunter Organization had changed," Yoshiro responded.

General Fabian Alejo frowned, indicating that he was dealing with something he didn't understand.

"Five years ago, Maddox became the head of the Hunter Organization because he is considered the strongest Hunter to date," Yoshiro continued. His voice was cold as the wind.

Ren's resounding sigh drew my attention. "There are two factions within the Hunter Organization. Maddox's follower with his own beliefs and one who continues to respect Hunter's Creed. Maddox is the leader of Scorpius but we didn't know his true identity. "

In Hunter Organization everyone conceals identity.

Saglit na napapikit si General Alejo dahil sa sinabi ni Ren. 

"So national security is in turmoil. I made the right decision to choose you, Phoenix." Phoenix is one of the secret groups of the Hunters Organization that Xyrus inherited from his father sinali lang kami ni kuya Zander.

Natatakpan man ang bibig ko ngunit ngumiti pa din ako dahil sa tiwalang binibigay sa grupo namin, kahit na apat lang kami.

"I will warn the National Police and the Armed Forces." Bakas sa mata niya ang pagkadismaya at hindi niya maiwasang umiling.

"Be cautious when mentioning Scorpius, General," tugon ko sa kanya. Isang militar man si General Fabian Alejo subalit mas malakas pa din sa kanya ang pinaka mahinang Hunter. Kaya hindi siya maaaring magkamali ng pagpili ng mga kakampi na pagsasabihan tungkol sa Scorpius.

Tumango si General Alejo, "I understand. There is no permanent ally or opponent, just a perpetual interest in the government,"  tugon niya bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Nang makaalis na ang mga militar kasama ang mga nahuling miyembro ng Scorpius ay sumakay na kami sa kanya-kanyang motorsiklo na nakaparada di kalayuan sa pier. 

Mabilis ang pagpapatakbo namin kaya naman ramdam ko ang malakas na hangin na humahampas sa mukha ko.

We made sure no one was following us. Kaya habang nagmamaneho ay panay ang tingin ko sa side mirror.

When we arrived at the back of the Alpha mall, we stopped opposite a high iron gate.

Yoshiro pressed his finger against the electronic door lock and the gate opened automatically. Nang makapasok ay nagsibabaan na kami sa motorsiklo at kasabay nito ang pagsarado ng gate.

Sa pribadong parking area na ito ay may nag-iisang manhole sa likod ng establisyemento. Lumuhod si Hiroshi sa tabi nito at matapos mag scan ng daliri ay inangat niya ang mabigat na bakal at isa-isa kaming pumasok sa malaking suwelo.

Hindi naman talaga ito parte ng isang sewerage system at dinisenyo lang ito sa ganitong paraan upang walang makapansin.

Bago itayo ang Alpha Mall, na pag-aari ng pamilya ni Yoshiro, sinadya nitong bigyang daan ang lihim na taguan. Sa katunayan ang ama ni Yoshiro na si Uncle Daisuke Tadashi ang nagpatuloy ng pangkat ng Phoenix at ipinamana kay Yoshiro.

Awtomatikong bumukas ang mga ilaw sa loob ng tunnel. Walang nagsasalita sa amin marahil ay pare-pareho kami ng iniisip tungkol sa Scorpius.

Naglakad kami sa malaking manhole at nang makarating sa dulo ay isa-isa kaming nag scan ng daliri bago pumasok sa secret hideout.

"Nagugutom na ako!" sigaw ni Mario nang makapasok kami sa loob at agad na tumungo sa kusina. Wala naman bago sa kanya, kaunting pawis lang agad na kakain.

"Ikuha mo na din kami ng tubig Mario!" sigaw ni Luigi sa panganay na kapatid.

"Hoy Luigi makapag-utos ka. Baka nakakalimutan mo na ako ang panganay?" 

Napailing na lang ako nang makitang nagtatalo nanaman ang dalawa. Iniwan ko na sila at tumungo sa weapon storage. Wala na din akong oras at kailangan ko na din magpahinga.

Nilinis ko ang mga blades na nasa guwantes at nilapag ang mga kunai at espada na hindi ko naman nagamit.

Napalingon ako sa likuran nang may narinig akong pumasok. Nakita ko si Xyrus na may dalang tubig at inabot sa akin.

"Salamat Xyrus," banggit ko sa tunay na pangalan ni Yoshiro. We used codenames when we on a mission so that no one could identify us.

Nagligpit na din ng mga gamit si Xyrus at maingat na pinupunasan niya ang kanyang samurai.

"What can you say about the previous operation, Stella?" tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko kung paano ako madaling natakasan ng lalaking tinatawag nilang Komandante. "I need more training and we need allies."

Huminto siya sa paglilinis ng samurai at tumingin sa akin. "I'm going to Japan next week to ask for assistance. Our opponent is a big syndicate. There are only four of us at sana makakuha ako ng suporta kahit wala sa top hunter group ang Phoenix."

Napakuyom ang kamay ko at tumingin ako sa espada na kasama ko simula pagkabata. Musmos man ako nang itatak sa isip ang Hunter's Creed ay nanatili ito sa pagkatao ko. Kaya kahit apat lang kami ay gagawin ko ang lahat mahuli lang at matalo ang Scorpius.

Matapos mag-usap ay nagpalit na ako ng damit. Suot ang itim na jacket ay tinalukbong ko ang hood na nasa likod nito at sinuot ang mask.

"Take care Stella!" sabay na sigaw ng kambal nang paalis na ako.

Tinungo ko ang isang pintuan na katabi ng pinasukan namin kanina. Binuksan ko ito ay naglakad sa hallway. Dahil hindi naman ito kalayuan ay narating ko agad ang hangganan nito.

Nang pumasok ako ay nakarating na ako sa underground ng Azra. Sinarado ko ang puting pinto at umakyat patungo sa private room ng bar.

Magkasabay na itinayo ang Alpha Mall at Azra kaya naman ang pamilya nila Xyrus, Mario at Luigi ay sumang-ayon na gumawa ng secret hideout lalo na't mga dating hunters ang mga ama nila.

Nang makauwi ako sa dormitory ay dumerecho ako sa kama. Pumikit ako at inalala ang tungkulin ko bilang isang hunter.

"We hunt syndicates and notorious criminals to keep peace and order, but I can't protect my own family."

Umupo ako mula sa pagkahiga at tumingin sa picture frame naming magkapatid na nasa tabi ng kama.

"Twelve years ago, you trained me to be a strong female hunter. While my classmates were playing Chinese garter, you taught me to jump on the high wall." Natawa ako nang maalala ang childhood memories ko.

Kinuha ko ang picture frame at tinitigan si kuya. "Nang mag grade six na ako tinuruan mo ako ng combat techniques at humahawak na ako ng espada."

Nanlalabo ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang larawan dahil ang mga nakaraan ay mananatili na lamang na alaala sa akin.

"You said it was our greatest secret. You don't want our dad and mom to know about the Hunter Organization to protect them."

Huminga ako ng malalim at hinaplos ko ang larawan kasabay nito ang tuluyang pagtulo ng mga butil na kanina ko pa pinipigilan.

"I miss you Kuya Zander."



End of Chapter 12

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon