Chapter 16: Symbol in the Diary

3.1K 129 1
                                    

Totoo ang sinabi ni Brandon. Nagkaroon ng campus announcement regarding sa nangyaring krimen.

Nadismaya ako sa IA Administration dahil sa ginawa nila. Hindi na ako sumama kina Cloud at Kurt for afternoon class because I'm not in the mood. Absenteeism is not a big deal since attendance is not a must.

I went to the Office of the President but Uncle James was not in IA yet. Saan ba kasi siya nagpunta?

Lumipas ang tanghali ay nanatili lamang ako sa unit namin na nakahiga. I received a text from Charlotte na kumain sa ibaba. Tumanggi ako. Nawalan talaga ako ng gana dahil sa crime scene kanina. I don't want to be betrayed by someone close to my life like what happened to Nadia.

"Sssssteeeelllaaaa!!!" Sigaw ng pamilyar na boses, walang iba kundi si Pat. Nandito na pala sila.

Umupo ako ng maayos sa kama at tinignan siya nang may pagtataka. "Oh, bakit ka sumisigaw?"

"Did you hear the news?" tanong ni Charlotte at nanlaki pa ang mata nito na hindi makapaniwala.

"You're the talk of the town after the crime scene was solved." Parang kiti-kiti si Pat nang mag kuwento kaya natawa ako. Tumabi pa siya sa akin sa kama. "Plus, classmate mo pala si Cloud! Hindi mo man lang sinabi!" may himig ng pagtatampo sa boses niya.

"Hindi niyo naman kasi ako tinanong," natatawang tugon ko sa kanila.

"Ipakilala mo daw siya kay Cloud!" pang-aasar ni Charlotte na ikinatuwa naman ng isa. Kinilig pa ang bruha.

Napailing na lang ako. "Sige next time." Dinig ko pa ang pagtili ni Pat.

Natulog ako buong maghapon. Nakakaubos din ng lakas ang mag-analyzed kanina. Nang magising ay tinignan ko ang orasan. Ala una na pala ng madaling araw.

Kinuha ko sa bag ko ang diary na nakita ko sa room ni Kuya Zander. There's no name indicated in the diary but I'm sure he owns it because of its content. Ngayon ko pa lang naisipan na ituloy itong basahin.


This is my dream school because I know by the time I graduate here our company will grow. I will miss Phoenix and my family especially Marcus and Ella, minsan ko na lang sila makakasama.

I heard a rumor at this school and I wanted to prove it if it was true or not.


Nagmana talaga ako kay kuya, pakialamero.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Mga experiences ni kuya, mga naging kaibigan niya at roommates. Hector Montemayor, Carl Lopez. Tatlo sila sa unit nila.

Saglit akong napahinto nang mapansin ko ang mga apelido nito. Montemayor? Ka-apelido ng professor namin at Lopez na katulad kay Attorney Lopez na kuya ni Pat? Parehas din ng first name. Ganoon na ba kaliit ang mundo ngayon?

Isinantabi ko muna ang mga nasa isip ko. Mabuting tanungin ko na lang si Pat bukas. 

Binuklat ko sa bandang gitna ang diary niya para i-fast forward ang kuwento. I stopped when I noticed a familiar drawing.

I remember this sketch. Nakita ko na ito noon sa room ni kuya habang pinapakialaman ko ang gamit niya noon. Naghahanap kasi ako dati ng pasalubong pero itong drawing ang nakita ko sa lamesa niya. Galit na galit pa nga siya nang nakita ko ito.

I stopped and stared at the illustration and examined it. I saw this drawing here at the academy, kaya pala familiar ito sa akin. This drawing symbolizes witchcraft. There's Latin word written inside the circle.

I suddenly felt cold. My eyes widened when I realized something. This is the sketch I saw in the old library! 

I looked at the clock, it was only two in the morning. Wala naman masama kung lalabas ako. Hindi pa naman alas-tres ng madaling araw. Hindi din naman ako mapapakali kung ipagbubukas ko pa.

I immediately hid the diary in the cabinet. Kumuha ako ng jacket. I slowly left the unit so Pat and Charlotte wouldn't wake up.

As I closed the door I slapped my head when I forgot something. Damn! My ID! Maybe they won't be angry if I ring the doorbell later? Bahala na.

Nakalabas na ako sa Maximus One at tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa daan. I quickly ran to the back of the Socrates Building.

I was already inside the old library and I could easily find the book I was looking for. I opened it and immediately saw the red paper. 

Lalo akong nanlamig nang makita ko ito dahil ito mismo ang drawing ni kuya na nasa diary niya. May kaugnayan ba ito sa kanya? Tinago ko ito sa loob ng sapatos ko dahil walang bulsa ang jacket o pantalon ko.

Pagkalabas ko ng Old Library ay may liwanag na sumalubong sa akin na tumama sa mga mata ko kaya't saglit akong napapikit.

"What are you doing here at this time?" He asked seriously. His voice was familiar but I could not see his face clearly because of the dazzling light from his flashlight.

I was about to answer when he suddenly punched my arm. What is his problem? and who is he

I took a chance and kicked his right foot. He immediately lost his balance. Kinuha ko ang pulsuhan niya at ibinalibag at sinipa sa tiyan na naging dahilan ng pagtumba niya. 

Pasalamat siya hindi ko makita ang mukha niya dahil bukod sa naka cap siya ay may mask siya sa bibig.

Mabilis akong umalis sa harapan niya nang makita kong nakahandusay ito.

Hindi pa ako nakakalayo ay may pumigil na sa mga braso ko mula sa likod. "Not too fast stupid girl!" He shouted and grabbed my arms tightly. Ang bilis niyang kumilos!

Naramdaman kong may tumusok na matulis na bagay sa braso ko at pilit akong kumakawala.

We exchanged blows when I got out of his grip. I noticed the little familiar tattoo on his wrist. Namilog ang mata ko nang makita ko ang Scorpion. May Scorpius sa academy? Kaya pala malakas siya para sa akin!

Binalik ko ang tingin sa lalaki at agad na umiwas nang kamuntikan na akong masuntok sa mukha.

For a moment, I felt dizzy and I think he injected me like medicine. I tried to kick his private part to get away. Ito ang importanteng itinuro sa akin ni kuya sa self-defense.

Napahiyaw siya sa sakit. Nakawala ako at sinubukan kong tumakbo kahit nakakaramdam ako ng hilo.

Sinikap kong lumayo at nagtago nang makakita ng ligtas na lugar. Umiikot ang paningin ko at naramdaman ko ang unti-unti kong pagbagsak mula sa lupa.

Ilang sandali ay nakaramdam ako ng ibang presensya. Two pairs of shoes are in front of me now.



End of Chapter 16

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon