Chapter 30- Ignis Band

38.9K 1.1K 84
                                    

Limang pares ng mata ang nakatingin sa akin pagkapasok ko sa loob. Parang may nagawa akong mali sa paraan ng pagtitig nila sa akin lalo na si Kurt.

"There she is!" Cloud shouted.

Pansin ko naman ang nanliliit na mata ni Kurt, "Why did you come home late? Where did you go? What did you do?" sunod-sunod niyang tanong. Pinipigilan kong matawa. Home talaga? Ano siya tatay ko?

"Mind your own business, private life ko na ito." Alas-tres pa lang naman ng hapon anong late doon?

I looked at Red, Blake and Troy. "Why are you here? How did you get out of the academy?"

"We find ways," Troy said, "Anyway, I'm sorry for what happened last time."

Nakita ko naman ang pagsiko sa kanya ni Red. "Don't mention it." Bulong man pero narinig ko ito.

"It's okay Troy. Wag mo na lang ipaalala." Kahit naiinis ako I knew it was an accident.

"We've been waiting for you to discuss important matters. It's about the plan," Troy explained.

Anong plan pinagsasabi nito? Close kami? Napadako tuloy ang tingin ko kina Cloud at Kurt feeling ko meron akong di nalalaman.

"Plan?" takhang tanong ko sa kanila.

"Yes, a plan. We need to join the Battle of the Bands this school year," Troy explained.

Anong WE ang pinagsasabi nito? Kasama ako? "I have nothing to do with this."

"Are you sure? Kahit na sabihin namin na ang mananalo dito ay may privilege to meet and interview the IA Administration?" Troy asked.

Napahinto ako sa sinabi ni Troy. Kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang buong IA Administration. Who are they? and why did they enforce a silly rule at school? Higit sa lahat bakit battle of the bands? 

"Can you explain the battle of the bands first?" pahayag ko sa kanila.

"First of all, Steven informed the Ignis Band about your research and the information you found out," Blake explained.

Tinignan ko sina Cloud at Kurt dahil sa sinabi ni Blake. Akala ko ba sikreto lang ito? Umiwas ang dalawa sa akin kaya naman napabuntong-hininga na lang ako.

"Battle of the bands will be our key to have a lead about the Tres Marias. The IA Administration has something to do with this. The winning band will join with the administration abroad to compete internationally. The school administration needs it to promote IA," pagpapatuloy ni Blake." Tinaas ko ang kamay ko upang pahintuin siya sa pagpapaliwanag. 

"Wait lang ah. As far as I remember I told Cloud earlier that I will not continue the investigation. We've got enough information." Ang mga Hunters na ang bahala dito. Hindi dapat sila mangialam.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan at lahat ay tumingin kay Kurt na kalmadong nakaupo sa sofa. "In that case, we'll just continue the investigation that has already begun. Kahit hindi ka na sumali."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Nababaliw na ba kayo? Alam ninyo naman na delikado."

"This is the only way we know to give justice for Maria, Mara at Martha," walang halong pagbibiro sa boses ni Cloud. 

Alam ko naman 'yon at pare-parehas lang naman kami ng gustong mangyari. Kaso maatim ba ng konsensya ko na iwan sila? 

Malakas akong napabuntong hininga at mulnig tumingin kay Kurt. "Sige na sali na ako. So what's the plan?"

Ngumisi sa akin si Kurt at kita ang tuwa sa mata niya, "join in our band."

"W-what . . . Me?" gulat na turo ko sa sarili ko.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon