Chapter 34: Survival Game

2.5K 125 2
                                    

"Same batch ba ang mga kuya na'tin?" tanong ko habang umiinom ng fresh milk. Nandito kami ngayon sa school park at nagkataon na nagkita kami sa canteen.

Tumaas ang labi ni Pat na tila ay nagugustuhan ang tanong ko sa kanya. "Crush mo kuya ko noh?"

Natatawang umiling ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay puro malisya itong si Pat. "Curious lang."

Kinuha niya ang iniinom na kape at tumingin sa akin. "Don't worry type naman kitang maging sister -in -law. "

Muntik nang matapon ang laman ng baso niya dahil bigla siyang hinampas ni Charlotte. "What's wrong with you?" angil ni Pat.

"Nababaliw ka nanaman. Alam mo naman di na available si Stella." Nagulat ako sa sinabi ni Charlotte. Anong pinagsasabi niya?

"Sus, 'yung manok mo? Mahinang klase 'yun. Malapit na matapos ang first sem pero hindi pa din nanliligaw."

Lalo akong nalito sa sinasabi nila. Ako ba ang tinutukoy nila? "Teka-teka hindi ko kayo maintindihan. Tinatanong ko lang naman kung magka batch ba si Kuya Zander at Kuya Carl mo."

"Carl na lang okay?" natatawang saad ni Pat. 

Sobrang kulit niya. Alam ko naman ang pagbibiro niya pero kuya lang din naman ang tingin ko sa kanya. Ang tanda na kaya ni Atty. Lopez. He's already 28 halos same age ni Kuya Zander. I met Carl Patrick during my duty at Azra. He's a young handsome lawyer kaya lang medyo masungit, malayo sa ugali ng kapatid niya.

"Anyway, Kuya Potpot never told me anything about his college life kaya di ako sigurado. Di bale pag-uwi ko hahanapin ko ang year book niya."

Medyo napangiti ako sa sinabi niya. Potpot talaga? Sounds cute.

"Siya nga pala sasali ka ba sa survival game?" tanong ni Charlotte. All students are invited to join school activity pero I doubt na sasali sila.

Tumango ako. "Yes, sayang ang price," pagdadahilan ko. Kung wala lang sinabi si Sir Montemayor at kung wala lang akong nabasa sa diary ni Kuya Zander ay hindi ako pupunta. 

"Sure ka friend?" muling tanong ni Charlotte. "Kami kasi ni Pat hindi sasama. Nakakapagod kaya." 

"Experience lang. Tutal graduating na ako at ngayon lang ako nakapag-aral dito sa IA. Ano ba meron doon?" 

Nagkibit-balikat sila. "Hindi namin alam dahil every five years lang ginaganap ang survival game. Kaya walang enrolled students ang nakakaalam nito."

"Ang alam lang namin ay nakakapagod ito kaya hindi kami sasama," dagdag ni Pat.

Matapos namin mag-usap ay nagsibalikan sila sa kanilang klase habang ako naman ay bumalik sa unit room namin dahil naiwan ko kanina ang cellphone.

Saglit akong nagpahinga at kinuha ang phone at mabilis na nagtipa ng mensahe.

"Xyrus ano na? Where are the allies?"

Mabilis niyang na seen ang mensahe ko.

"According to those Hunter Groups, they will introduce themselves when the hideout is ready to invade. For the mean time they are looking for evidence and still planning."

"Ganun ba? Nag-aalala lang ako sa safety ng Ignis Band."

Nang mag overnight ako sa underground gym ay sinabi ko sa kanila ang plano ng Ignis Band kaya I asked about the hunters within the IA.

"Don't worry the allies are currently watching over you."

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Xyrus. Kahit paano napanatag ako.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon