Chapter 28- Tres Marias

39.3K 1.2K 101
                                    

Hindi ko maramdaman ang mga kasama ko kahit anong hawi ko sa paligid ko. Wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.

Kinapa ko sa bulsa ang flashlight subalit wala. Nabitawan ko pala ito kanina nang takutin ako ng nagpanggap na white lady.

Hahakbang na sana ako nang maramdaman kong may mainit na humaplos sa kamay ko. "Akala ko mawawala ka na naman," seryoso niyang sabi. Kilala ko na ang boses ni Kurt kahit wala akong makita.

Pinagsaklop niya ang kamay namin at madiin na hinawakan. Hindi naman ako mawawala dahil nasa tabi naman niya ako.

"Where's Cloud?" I asked him. Napansin ko ang munting liwanag na biglang lumitaw papalapit sa amin. Si Cloud may dalang flashlight.

Habang naglalakad kami ay may naalala ako. Nawala sa isip ko kanina ang iyak ng mga babae. It suddenly disappeared as we entered.

"Nakakapag-"

Naputol ang sasabihin ko nang takpan ni Kurt ang bibig ko. "Shh, someone is coming,"he whispered kasabay nito ang pagpatay ni Cloud sa flashlight.

Hinatak ako ni Kurt at sumiksik kami sa isang sulok. Dama ko pa ang lamig na sinasandalan kong parang bato.

Ilang segundo pa bago ako makarinig ng mga hakbang kasama ang pausbong na liwanag.

"Bukas daw ang balik ng bagong Heneral ayon kay Komandante kaya dapat nasa ayos na ang lahat."

"Nako tiyak tayo nanaman ang pagbubuntungan ng galit niya. Lagi na lang mainit ang ulo ni Komandante simula nang pinaguho ang hideout base 1."

"Kaya nga! Wala na kasing ibang paraan kundi paguhuin ito. May mga bubwit nanaman na pakialamera na nakatuklas ng sikreto ng Scorpius."

Scorpius? Tama ba ako ng narinig? Ibig sabihin ito din ang basement ng Scorpius! I must inform Xyrus.

Unti-unting humihina ang mga boses na hudyat na wala ng tao sa paligid.

"Did you hear that?" tanong ni Cloud sa amin habang binubuksan niya ang munting flashlight. Tumango ako bilang tugon. This place has something to do with the old library.

"I think this place is their another hideout. They mentioned Heneral that I heard before in their laboratory," I told them. Maybe that's their new big boss.

"Let's investigate this hideout. There is something strange in this place," Cloud said seriously.

Agad akong bumitaw sa magkahawak na kamay namin ni Kurt at hinawakan ko ang kamay ni Cloud upang pigilin siya sa gusto niya. Ayoko nang magpadalos-dalos ulit. Ayoko na. And this matter is supposed to be done by Hunters.

"Are you serious? I think this is enough. Masyado nang delikado baka mapahamak tayo tulad nang ginawa nila kay Luke." I know I am a Hunter but I'm not strong enough to protect them. Masyadong malakas ang grupo nila.

"But there's no way out," agad na tugon niya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "What do you mean?"

"I tried to push the door but I couldn't open it. I also held it for a long time but nothing happened." Kaya pala nahuli siya sa pagpunta sa amin kanina. Pero anong gagawin namin?

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon