Chapter 62: Hunter King

32.9K 850 55
                                    

Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko nang sinabi niya ang mga salitang 'yon. This is not the first time that he confessed but those three words are always sweet sound to my ears.

"Ehem." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagtikhim na aking narinig kaya't mabilis akong kumalas ng pagkayakap kay Kurt.

"Hey lovebirds!" mapang-asar na turan ni Cloud. Ngumisi siya ng nakakaloko at tumingin sa aming dalawa. "Sorry to disturb you but we're running out of time."

Agad na umalis si Cloud. Mariin akong tinignan ni Kurt na tila ayaw akong paalisin sa harapan niya. "I want to stay like this but we have a mission to accomplish."

Kinuha ko ang kamay niya at sabay kaming tumakbo kung nasaan sila kuya. We need to finish this mission together.

Sabay naming hinugot ang aming mga armas nang may makita kaming kalaban. Kailan ba mauubos ang Scorpius?

Hinataw ko ang aking Katana at ganun din ginawa ni Kurt. Sa ilang sandali ay bumagsak agad ang kalaban. Hindi namin kailangan patagalin pa at baka makatakas pa si Maximo Aurelius na mas kilalang Maddox - the Hunter King.

"I heard the sound of a helicopter, let's hurry!" seryosong saad ni Cloud.

Mabilis kaming tumakbo paakyat sa spiral staircase. Kailangan namin siyang mahuli bago siya kumilos.

A strong gust of wind blew on us as we reached the rooftop of the mansion.

"Where is he?" iritadong tanong ni Cloud nang walang makitang tao sa loob ng helicopter.

Nilibot namin ang lugar subalit ni anino ng kanyang mga tauhan ay wala.

"Hey! Scorpius has escaped!" sigaw ni Carl kaya't napalingon kami sa kanya.

"They came out from behind the Mansion. Nauna ang ibang Hunter groups maging ang Phoenix!" binato niya ng susi si Kurt. "Use my big bike; it's faster if you use it than a car." 

"How about you?" tanong ko sa kanya

Ngumisi siya. "I'll used that one." Tinuro niya ang helicopter. Falcon and I will take care of it."

"Thank you Carl." Tawag ko sa tunay niyang pangalan kahit nasa pugad kami ng kalaban. Hindi na kami gumamit ng Hunter name lalo na't kilala na kami ng Scorpius. Mabilis kaming tumakbo pababa at palabas ng mansion.

Pumasok agad si Cloud sa sasakyan na dala nila. "Nasa likod lang ninyo kami."

We nodded and looked them inside. Blake was driving and Red was next to him in the front seat. Sa likod nakasakay si Cloud kasama si Troy. Hawak nila ang naglalakihang baril.

Hinagisan ako ni Troy ng baril at agad ko naman itong nasalo. "Use that one. You'll need that." Tumango ako.

Sumakay agad si Kurt sa big bike at umupo agad ako sa likuran niya.

Sobrang bilis ng kanyang pagtakbo kaya't mahigpit ang pagkayakap ko sa kanya. Napapapikit na lamang ako dahil sa lakas ng hampas ng hangin.

"Yes Watson we're going there now," he said. He talks to Josh.

Nakarinig ako ng putok ng baril kaya paikot-ikot ang pagmamaneho niya para makaiwas sa bala. Kinuha ko ang baril na bigay ni Troy at ginamit ito bilang depensa sa kalaban.

Mas lalong bumilis ang kanyang pagpapatakbo.  Pumasok kami sa isang makipot na daanan. Lumingon ako sa likod wala na ang sasakyan nila Cloud.

"Wala na sila Cloud," saad ko sa kanya.

"Don't worry they'll take care of it. Kailangan iligaw ang kalaban."

Sa sobrang bilis niyang magpatakbo ay naabutan na namin ang sasakyan ng Phoenix maging ang sasakyan ng ibang Hunter group. May mga naka motorsiklo din. They were dressed in black with the embroidery of their group on the back.

Nasa harapan namin ang mga itim na sasakyan at mga tauhan ng Scorpius. Ang tanong nasaan dito si Maddox?

We heard a loud explosion. Tumilapon ang isang sasakyan na nasa bandang unahan. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Isang sasakyan ang sumabog at ilang buhay ang laman ng van na 'yun!

May mga nagpaiwan upang supilin ang apoy at iba ang ay nagpatuloy.

"Don't worry I'll take care of your sister," rinig kong sambit ni Kurt.

Si kuya pala ang kausap niya. Hindi ko alam kung nasaan sila dahil lahat kami ay iba-iba ang direksyon. Pumasok kami sa isang lugar na maraming mga puno.

"Sigurado ka ba sa sinusundan mo?" tanong ko sa kanya.

Isang itim na motorsiklo lamang ang sinusundan namin wala itong ibang kasama at ganun din kami. Nababalutan siya ng kulay itim na kasuotan at ganun din ang kulay ng kanyang helmet.

"I know his smell and gesture," tugon niya.

Lumingon sa amin ang lalaki at nagpaulan ito ng bala. Kurt was good at using a motorcycle so he avoided the bullets. Gumanti ako ng baril sa kanya subalit lahat ng ito ay naiwasan niya.

Natatanaw ko ang langit at ang kabundukan. Huminto ang lalaki sa harapan namin at ganun din kami. Ilang hakbang na lamang ay nasa bangin na kami. Dinig na dinig ko ang hampas ng alon mula sa ibaba. Di ko akalain na napakalayo na pala ng narating namin.

The man got off the motorcycle and removed the helmet. Napalunok ako sa aking nakita. Si Maddox. Si Maximo Aurelius! Tama si Kurt, siya nga.

Ang malalalim niyang mata ay nagdudulot ng kilabot sa aking sistema. Ngumiti siya sa amin, "Excellent! Of all the Hunters you're the only one who tracked me down."

He dropped his helmet on the motorcycle. "Kaya nga ba gusto kong ikaw ang susunod na leader ng Scorpius. Sayang ang husay mo," umiiling-iling pa ito.

"Nonsense!" Kurt shouted and he approached Aurelius and drew the sword.

"Oh, you want a duel?" mapang-asar na sambit niya. "Sige, pero papatayin ko siya kapag nanalo ako,"  tila kinalibutan ako sa paraan ng kanyang pagsasalita at pagtitig sa akin.

Kita ko ang pagtangis ng bagang ni Kurt at muling patakbo sumugod kay Aurelius. Ngumisi lang ang kalaban at hinugot din niya ang kanyang espada.

Palitan ng tunog ng bakal ang aking naririnig. Kinuha ko ang aking Katana. Kailangan kong tulungan si Kurt!

Akmang maglalakad na ako nang biglang may pumutok na baril.

"Try to get involved, I'll kill you and Steven," Aurelius said while holding the gun with his left hand. No doubt he became the Hunter King, he fought well.

Gustuhin ko man lumaban subalit wala akong magawa. I contacted Kuya Zander and told him our destination.

"Arrgh," daing ni Kurt. He knelt down while holding his right arm. This is bad. Kurt seems to have a deep wound!

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon