Chapter 11: Unusual Business

4.4K 172 6
                                    

Itinaas ko ang tasa at unti-unting hinigop ang mainit na gatas habang nakatingin sa malaking screen sa harapan. Maraming tao sa paligid ng Dulce Ribbon Bakeshop subalit lahat ay nakaabang sa flash news na kasalukuyang nirereport.

"Hindi pa kumpirmado kung sino ang pumatay kay Gobernador Salazar kaninang umaga. Malinaw na ipinahayag ng Hepe ng pulisya, si Police Lieutenant General Leonardo Villaflor, na walang kinalaman ang National Police. "

Ito ang usap-usapan sa internet. Natagpuan kasi na naliligo sa sariling dugo ang gobernador ng Isla Astralias. Kasama ni Gobernador Salazar ang kanyang mga bodyguard sa sasakyan subalit siya lang ang pinatay. Madami ang nagulat sa biglaang pagkamatay niya sapagkat matino itong pinuno ng isla na minsang kumalaban sa hindi matitinong pulisya.

"Subalit kumakalat naman sa social media ang pahayag ng  Armed Forces sa pangunguna ni General Alejo na maaaring may kaugnayan dito ang mga Hunters na siyang pinagbulaanan ni General Villaflor sapagkat hindi daw totoo na mayroong Hunter Organization."

Napahinto ako sa pag-inom dahil sa laman ng balita. 

"Anong hindi totoo? Open secret ang organization."

"Buti na lang may social media madali nang nabubunyag ang mga underground organizations."

"Kung totoo ang Hunters dapat silang hulihin. Pinapatay nila ang matitinong tao."

"Pinapatay din naman nila ang corrupt."

Napatingin ako sa kabilang lamesa dahil sa pagtatalo ng magkakaibigan. Hati talaga ang opinyon ng mga tao hinggil sa organisasyon.

Hindi alam ng karamihan that the Hunter Organization exists and is more powerful than the country's National Police and Armed Forces. In incidents that can no longer be dealt with, police and soldiers call for aid.

The Hunter Organization was formed to fight terrorism, conflict, rebel attacks, and anything that threatens the rule of law. Kaya lang hindi lahat ng hunter ay tuwid.

There's a big possibility na pinagawa ng police sa masamang Hunter ang pagkamatay ni Gobernador Salazar.

Nahinto ako sa pag-inom ng gatas nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang makita ang caller.

"What time are you going to Azra?" tanong sa kabilang linya.

Tinignan ko ang oras at malapit nang mag alas sais ng gabi. 

"Papunta na ako Xyrus. I just went out with some new colleagues." 

Papunta pa lang sana ako dito sa Dulce Ribbon kaninang hapon nang nakasalubong ko si Charlotte kasama si Pat. Hindi ko naman sila matanggihan nang magyayang mamasyal. Mabuti nga at umuwi na sila.

"All right. I already told you about this special duty."

Agad kong binaba ang tawag at mabilis na inubos ang mainit na gatas at cake.

Muli kong kinuha ang cellphone at tinawag ang importanteng tao. Mabilis naman niya itong sinagot.

"Brandon, please inform my dad that I'll be staying in the dorm tonight. Magliligpit lang ng gamit." Dahil biglaan ang pag transfer ko ay may mga naiwan pa akong gamit sa tinutuluyan ko noon pero pagdadahilan ko na lang ito.

Narinig ko ang pagtawa sa kabilang linya kaya lumaki ang butas ng ilong ko.

"Pagtatakpan nanaman kita?"

Tumango ako na tila ay nakikita niya. "'Yup, baka sumugod si dad nasa Azra ako. Ikaw na ang bahala."

"Basta libre mo ako next week."

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon