I woke up early. Pat and Charlotte were still asleep. Nag-iwan na lang ako ng note sa kanila na mauuna na. Pinapunta ko kasi ng maaga ang family driver namin dahil bibisitahin ko pa ang Phoenix.
Pagbukas pa lang ni Manang Cha ng gate ng bahay namin ay kitang-kita ko na ang nag-aabang na si Marcus habang gumagalaw ang buntot nito.
Pagkababa ko ng sasakyan ay niyakap ko si Marcus at dinilaan niya ang pisngi ko. I really miss him kaso hindi ako pwede munang makipaglaro dahil kailangan gumaling na agad ang braso ko.
"Hi Manang Cha!" bati ko sa kasambahay nang makita ko siyang papalapit sa amin.
Lumapit siya sa akin at nakatingin sa braso ko. "Anong nangyari sa'yo?"
"Na aksidente lang po sa eskwela."
"Ikaw talagang bata ka. O siya, pumasok kana sa loob handa na ang almusal."
"Salamat Manang. Sila mom at dad po?"
Malungkot siyang tumingin sa akin. "Hindi pa sila umuuwi magtatagal pa daw sila sa US."
Hindi na ako umimik. My family went abroad without telling me even my mom! Sinadya ba ito ni dad? Madami pa naman akong tanong sa kanya.
Nagtungo na ako sa kainan at mag-isang kumakain. Ang haba ng lamesa at madaming pagkain pero ako lang ang tao, nakakalungkot.
"Marcus!" tawag ko sa aso at pinaupo ko siya sa tabi ng upuan. Kinuha ko ang lalagyanan ng pagkain niya at nilagyan ko ng dog food, at least may kasama na ako.
"Masarap ba Marcus?" tumingin siya sakin at ngumising aso lang as if naman na magsasalita siya. Mukhang na miss din niya ako.
Matapos kumain ay napagpasyahan kong lumabas na. I went to Alpha Mall and went straight to the underground gym.
"Hey Stella," bati sa akin ni Luigi nang makapasok ako. Niyakap niya ako. Ramdam ko din na may yumapos sa likod ko, amoy pa lang si Xyrus na.
"Anyare sa inyo?" takhang tanong ko sa kanila nang bumitaw ako.
"Hey, si Stella pala." Sulpot ni Mario mula sa kusina. May hawak pang chocolate na may kagat na. Tumakbo siya sa pwesto namin ay nakipag group hug.
Bumitaw agad sila sa akin. "Nag-alala lang kami sa'yo. Hindi ka namin kasi nakita after Tokyo bombing," tugon ni Luigi.
Napangiti ako sa kanila, ang mga tunay kong kaibigan. "Thanks but you have nothing to worry about. Malakas kaya ako." Pinakita ko pa ang muscle sa braso ko.
"Hindi naman Stella kasi you like a bamboo pa din." Pang-asar ni Mario at bigla na lang sinaksak sa bibig ko ang chocolate na hawak niya.
Naningkit ang mata ko sa kanya. "Humanda ka sa akin Mario!" Kumaripas siya ng takbo. Hinabol ko siya habang kinakain ang chocolate.
He went to the training area. I ran as fast as I could. I immediately grabbed the rope that was hanging and swung to get another rope. I swayed again and I landed on a balancing bridge. Buti nalang magaan ako and it easy for me to balance my body.
Tumakbo ako maging sa apex ladder. Higit ko pang binilisan dahil malapit ko nang mahabol si Mario. Nasa harapan ako ng climbing wall. I climbed the fastest way. When I got to the top, I jumped. Lumapag ako sa stepping stones and I balance myself again. I jumped again when I got to the end. Finally, I caught Mario!
"You're weak!" sigaw ko kay Mario habang dinadaganan siya samantalang ang loko-loko ay tumatawa lang.
"Hey, guys stop!" I heard three claps. It means Xyrus is pretty serious.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...