Chapter 46: Alliance

34.4K 964 43
                                    

Two days have passed but we still have no information on Thor's disappearance. Almost all of my classmates have used their influence but still, no one knows if anyone has seen him.

After class, I went back to the unit room. Pagkapasok ko ay naabutan kong nag-uusap sina Pat at Charlotte pero may kasama silang matangkad na lalaki. Hindi ko naman makilala dahil nakatalikod ito.

"Nandyan na pala si Stella," masiglang pahayag ni Charlotte at napatingin naman sa akin sina Pat. Lumingon ang lalaki at unti-unting nanlaki ang mata ko nang makilala siya. Agad kong pinakalma ang sarili ko upang walang makahalata sa akin.

"Stella!" Pat shouted and approached me. "Do you know him?" tanong niya at tinuro ang lalaki. Umiling ako bilang sagot. Kilala ko siya bilang si Akira pero hindi ko siya kilala bilang si Stella. Baka magtaka ang lalaki.

Sinimangutan ni Pat ang katabi niya. "She doesn't know you, why do you want to talk to her?"

Teka, ako kakausapin? Bakit?

Hindi naman sumagot ang lalaki at nakatitig lamang siya sa akin. Tila pinag-aaralan ang mukha ko. Nakikilala niya kaya ako? 

"By the way Stella, he's kuya Potpot, my brother," walang ganang sabi niya. Tumingin si Pat sa akin. "Siya 'yung kinuwento ko sa'yo na irereto ko kaso bawal na eh. Nagtataka ako kung bakit hinahanap ka niya kanina, eh ngayon palang kita pinakilala." 

Magsasalita na sana ako nang lumapit sa akin ang lalaki at nilahad niya ang kanyang kamay. "I'm Carl Patrick Lopez." 

Tumango ako at tinanggap ang kanyang kamay. "Stella Hamilton." Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pakikipag kamay niya.

"Stella can we talk?" he looked at Pat and Charlotte. Ang pagtawag niya sa akin ay tila matagal na niya akong kilala. "Just the two of us," there was a hint of seriousness on his face. I just nodded in response.

I thought Pat would complain but they didn't even say a word and left the unit.

Hindi kami umalis sa aming puwesto, magkatapat kaming nakaupo. "I've been one of your brother's friends since we were students at this school," panimula niya.

Alam ko naman 'yun. Bagamat hindi naipakita ni Pat ang graduation picture ng kuya niya, sigurado akong siya ang tinutukoy ni Kuya Zander.

"I know a lot about you Stella because of Zander. You really look like him," there was traces of sadness in his voice. "Kahit wala kang maskara ay kilalang-kilala ko ang asul mong mata.

Napaatras ako sa sinabi niya. Nagsusuot lang ako ng maskara kapag nasa Azra Bar! 

"I know you, Akira."

"P-paano?" nauutal kong tanong.

"Just a look in your eyes I know you're his sister.  Being your client at Azra Bar is also my intention. "

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Why?"

"I want to test if his sister is smart. Hindi nga ako nagkamali, mahusay ka nga." 

Ganitong-ganito ang sinabi sa akin ni Thor noong magtapat siya sa akin. Bakit ba ako gustong subukin lahat ng kaibigan ni kuya?

"Thank you sa paghuli ng nagpadala sa akin ng death threat. Although kaya ko naman gawin," natatawang saaad niya. "Lagi ka kasing binibida ni Zander, so Hector and I are curious about you."

Kaya naman pala, si Kuya Zander ang may sala.

"Anyway, why do you want to talk to me?"

Ang kaninang ngiti ay naglaho at napalitan ng seryoso na ekspresyon. "I saw some evidence about Zander. May isang sulat si Martha na ibibigay sana kay Zander. They talked about Scorpius but the problem is, I don't know who the Scorpius members are here at IA. "

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon