Chapter 61: Truth

33.1K 883 53
                                    

Ilang beses kong inulit sa aking isipan ang sinabi ni Cloud.

"It's very hard for Steven to tell the truth. If you were in his place would you let her know that you were the heir of Scorpius? Diba hindi? Dahil may masasaktan kapag nabunyag ang katotohanan."

Agad ko siyang tinulak upang kumalas sa kanyang pagkayakap at hinarap siya. "Para kaming tanga kakahanap ng leader ng Scorpius ikaw pala ang tagapagmana!" singhal ko sa kanya. "Now tell us who Maddox is?!"

Marahas kong pinunasan ang aking luha at pinanliitan ko siya ng mata. "O baka naman mga espiya kayo at nagkukunwaring gustong tumulong sa amin?" turo ko sa kanilang lima.

Kung siya ang tagapagmana ng Scorpius ibig sabihin direktang kakilala niya si Maddox. May pakiramdam na ako kung sino si Maddox subalit kailangan namin itong mapatunayan.

Lumapit sa akin si Kurt at hinawakan ang kamay ko subalit marahas ko itong hinawi. "Don't touch me," malamig na saad ko sa kanya.

Tumalikod ako sa kanila at hahakbang na sana ako nang makita ko sina kuya.

"We'll take care of it," Xyrus said

"Umakyat ka muna," saad ni kuya at seryosong nakatingin kay Kurt.

Pinagmasdan ko sina Mario at Luigi na nakakuyom ang kamay at matalim na nakatingin sa lima.

Mabilis akong tumakbo at nagtungo sa tahimik na lugar. Pumasok ako sa Library at doon ko binuhos muli ang aking mga luha.

Tahimik ako na umiiyak. Hanggang ngayon ay mabilis pa din ang tibok ng puso ko. Hindi ko matanggap at napakasakit malaman na may kinalaman si Kurt sa Scorpius. Bakit niya nagawang ilihim sa akin ito? Gusto niyang puksain ang Scorpius pero tagapagmana pala siya ng isang mataas na posisyon? Ang gulo!

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa aking mata. Unti-unti akong dumilat at doon ko namalayan na umaga na pala. Nakatulog ako pero paano ako napunta sa kwarto ko?

Agad akong tumingin sa aking malaking kama subalit wala na ang dalawa kong kaibigan na akala ko ay mag o-overnight. Agad kong napansin ang note sa kama.

Stella mauna na kami ni Charlotte pinapauwi na kami ni Kuya Carl. Ayaw pa sana namin kaso nakakatakot si kuya potpot.

Smile na Stella, remember we are always here for you.

Mwah <3

Love Pat :-)

Napangiti ako sa simpleng note kaya't medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Tahimik ang bahay dahil lahat ng mga bisita ay pinauwi na ni kuya dahil sa nangyari. Ang hindi ko lang alam kung pinalayas ba ni kuya sina Kurt. Ayoko ng alamin pa ang nangyari kagabi dahil nasasaktan lang ako.

Madami nang hindi magandang nangyayari sa akin. Hanggang ngayon hindi kayang tanggapin ng isip ko ang pagkawala ni Thor. I love him, I really love him as a brother. 

My heart was even more broken when I found out that the next Scorpius leader would be Kurt but how? Leader din siya ng kanyang sariling Hunter Group. Ito ba ang sinasabi ni Brandon? Ito ba ang sikreto na sinasabi ng kanyang step father? Kung ganun may alam sa Hunter si Maximo Aurelius at lalong may nabubuo sa isipan ko.

"Sila mom at dad kailan kaya uuwi? May balita ka ba?" I asked kuya Zander as we ate breakfast. Sabi ni Kuya Zander ay pinadala daw ni Xyrus si dad sa US para magpagaling.

Ibinaba ni kuya ang kubtertos at uminom ng tubig. "Honestly Ella dad already knew that I'm still alive and he knew it for a long time. I'm sorry I didn't tell you before."

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon