Hawak ko ang tablet habang tinitignan ang mga pangalan ng building ng Intelligent Academy. Lahat ay may kaugnayan sa mga kilalang philosophers sa mundo.
Dalawa ang napansin kong laging pinupuntahan ng mga estudyante. Ang Socrates Building na kung saan nandoon ang Ingenium Hall, school offices and canteen at Phytagoras Building na naka destino ang mga club and organizations.
Naglakad na ako at pinuntahan ko na ang building ng Business Management.
I'm here inside the Karl Marx Building and today is the first day of regular class.
Nilibot ko ang tingin sa ground floor, it has a cozy ambiance. The furniture is designed like a coffee shop, and soft lighting creates a pleasant learning environment. It has a warm and inviting atmosphere.
There are vending machines, telephone booths, ATM and kiosk machines on the right side of the floor.
Nasa ground floor pa lang ako ang ganda na. Paano pa kaya sa classroom?
I used my tablet to find the location of my classroom. It is on the fifth floor. Napabuntong hininga na lang ako bago akyatin ang hagdanan.
Mahirap pa naman ang umakyat dahil bukod sa pencil cut ang skirt namin ay may takong pa ang binigay na black shoes.
When I got to the fifth floor, I noticed the wide steel doors of the classrooms. Each door has a thirteen -inch LED screen in the center.
May kakaiba nanamang ginagawa ang mga estudyante. They tap their ID on the top of LED TV at kinausap nila ito!
Tumungo na ako sa tapat ng pintuan at ginaya ko ang ginawa nila. Nagtataka naman ako sa administration ng school kung bakit sa orientation ay hindi sinabi ang mga ganitong bagay.
"I want to greet you with a warm welcome on your first day Ms. Hamilton. Please answer the question so you can enter the classroom," mala-robot na wika ng LED TV. Mukhang katulad din ito sa entrance gate.
"If 5 copies can process 500 sheets of paper in 5 hours, how long does it take 10 copiers to process 1000 sheets? You have 20 seconds to answer the question. Time starts now."
Pang elementary na tanong? Sobrang dali. Katulad nito 'yung mga ice breaker questions namin sa Math noon sa primary school.
"In five hours, ten copiers can copy 1000 sheets. Increasing the number of copiers by two will double the output without increasing the time required." sagot ko.
"Access granted." Pagkasabi nito ay awtomatikong bumukas ang pintuan.
Pagpasok ko sa classroom ay mukhang kumpleto na ang klase dahil wala akong nakikitang bakanteng upuan. The classroom is spacious and warm because of the furniture.
Tig-iisa din ang bawat estudyante ng lamesa na tingin ko ay gawa sa bakal dahil sa kulay at kinang nito. Ang upuan naman ng bawat estudyante ay swivel chair.
"There's an empty seat here, Stella!" Mabilis na napadako ang tingin ko sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng gintong buhok. Parehas pala kami ng course ni Ulap? He also belongs to Block IV-A, the top block section. Ang target ko lang ang expected na kaklase ko.
Muli kong nilibot ang tingin sa classroom at napagtanto kong nag-iisa itong bakanteng upuan.
Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil ngayon ko lang napansin na nakatingin sa akin ang lahat. Bagamat ayokong katabi si Cloud ay naglakad na ako patungo sa pinakadulo.
Tumingin muli ako kay Ulap at napansin ko na nasa kanan pala niya si Kurt. Tinignan ko ang lalaki, it was more appropriate to call him by his second name.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...