Chapter 53: Spoliarium

33.8K 900 50
                                    

SOS

Sigurado kaming ito ang laman ng mensahe. Subalit hindi ko tiyak kung ano ang 442555555.

"I remember seeing the Kiosk Machine back in the hideout; near the monitor," saad ni Cloud. Nandito kami ngayon sa unit room nila at pinag-uusapan ang laman ng mensaheng natanggap ko. "Maaaring nasa key numbers nang pindutin ito ng sender."

"Or it's a secret code since the dots and dashes indicate SOS. It can even retrieve the history data of the kiosk in the system kaya siguro code ang pinadala niya," suhestyon ni Kurt.

Agad naming kinuha ang kanya-kanyang cellphone at sinubukan kong pindutin ang mga numero. Muli ko itong inulit at doon ako may napagtanto.

44 means H; 2 means A; 555 and 555 means L.

Nag-angat ako ng tingin at bakas ang pagkunot ng noo nila habang hawak ang kanilang phone. "Hall?" tugon ni Cloud.

"Kung hall ito sa academy ay walang ibang hall dito kundi ang Ingenium Hall," saad ni Kurt.

"If I received the message from the student portal the day we were in Japan, it means Thor was the sender!" Siya lang ang maaaring gumawa nito dahil paniguradong siya lang ang nakakabisado ng student number ko para padalhan ng mensahe.

"It means Hector was able to use the Kiosk even though he was arrested," Kurt said.

"Maaaring nakagawa siya ng paraan para pumuslit?" ani ni Cloud.

"I guess he escaped and found Kiosk Machine. Tulad ng sabi mo Cloud may napansin ka nito sa hideout... We don't have time, I have to report this," tugon ko at mabilis kong tinawagan si Carl. 

Sinabi ko ang lahat kay Kurt ng plano namin sa paglusob sa hideout. Since he's willing to help, he also called Troy, Red, and Blake.

"Hindi kami papayag na mapaalis dito sa IA," galit na sambit ni Troy habang nakahalukipkip ang mga braso.

"Until this week, we still have the validity to stay here so we can help you," dagdag ni Red habang inaayos ang hikaw sa tenga.

"Kaya dudurugin talaga namin ang Scorpius. The new President is really crazy," ani ni Blake habang pinapatunog ang mga daliri sa kamay.

Lahat kami ay napatingin sa pinto nang pumasok si Carl, kasama niya si Luke.

Naglakad patungo sa amin si Carl habang tinataas ang manggas ng kanyang polo. Hindi na ako magtataka kung bakit madaming patay na patay sa kanya sa College of Law. Ang seryosong mukha ni Atty Lopez ay bumagay sa hubog ng mukha niya. Dahil naman sa pagtaas niya ng manggas ay kita ang ugat nito tanda na madalas itong mag gym.

"Let's fix all the details first," Carl said as our meeting started.

He raised his index finger. "First, from our past information we learned that Hector was imprisoned inside the so -called Spoliarium."

"Second, do you have any idea where the Spoliarium is?" 

He raised his ring finger. "And third, is the Spoliarium located in the Ingenium Hall?"

"It's just a normal halll" Cloud replied. "I haven't noticed anything weird."

"Nagkakamali kayo," saad ni Luke. "Sa una, parang Hall na may gallery exhibit dahil sa mga naglalakihang painting ng mga magagaling na pilosopo pero kung titignan parang may kakaiba sa mga paintings."

"Anong kakaiba?" agad na tanong ko.

"Alalahanin ninyo ang itsura ng paintings," kalmadong saad niya at pumikit na parang ipinapakita na gayahin namin siya para maalala ito.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon