Chapter 32- Milktea Shop

39.8K 1.1K 90
                                    

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Kurt nang makita ko siyang nagluluto sa kusina.

Ibinaba niya ang hawak na sandok at lumingon sa akin. "Umuwi na sila."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Anong oras? Bakit hindi man lang nagpaalam? Akala ko ba bawal umuwi?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"They left last night. They have their own condo, doon sila umuwi." Kung pwede na palang umuwi ay pupunta na lang ako sa underground gym mamaya.

Lumapit siya sa akin dala ang nilutong fried chicken. "Let's eat, we'll meet them later." I nodded and followed him into the dining area.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang malaman ko na dalawa lang pala kami dito sa condo niya. Bigla kong naalala ang paghalik niya sa pisngi ko kagabi. Napailing ako at agad na inalis 'yun sa isipan ko.

Tahimik kaming kumakain. Naiilang ako because it was our first time eating together na hindi kasama si Cloud.

Tumikhim ako at tumingin ako sa kanya. "Kurt salamat sa pagpapatuloy dito but later I will leave. May sarili din akong tutuluyan."

Unti-unting nagsalubong ang kilay niya. "Where?"

"I'm sorry but I can't tell you where my place is." Sa underground gym kasi ako mag stay at hindi niya pwede 'yun malaman. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain hanggang sa matapos kaming dalawa. 

We are now in his car. Pupuntahan na daw namin sina Cloud dahil ngayon na daw sisimulan ang band practice.

Habang nasa byahe ay binuksan ko ang phone ko na bagong charge. Dalawang araw na ang nakakalipas simulang nawalan ito ng baterya.

Dati ay sila Xyrus, Mario at Luigi lang ang nag te-text sa akin. Ngayon ay Inulan ako ng messages nina Pat at Charlotte pero ang huli messages lang nila ang binasa ko.

"Are you with Steven and Cloud? Is that true? Tumawag sila kaninang umaga at hindi ka namin nakausap dahil tulog ka na daw." 

I looked at the date. It was yesterday morning. Tinawagan pala nila sila Charlotte noong nakalabas kami sa hideout?

"Anyway, you're already famous in the Academy. Ikaw ang lagi kong naririnig dahil ikaw pala ang nag solved ng case sa Freshmen unit." 

"Hindi kita matawagan. Naka off nanaman ata phone mo. Enjoy your day with Steven!" 

Si Kurt lang talaga ang binanggit nya. Napailing na lang ako at binuksan ang message ni Pat

"Stella, binigay mo pala number ko kay Cloud? Thank you. Mwah. Take care!" 

Natawa ako kay Pat. Hindi ko naman binigay sa kanila. Hindi ko alam kung paano sila nagka-contact.

Lumingon ako kay Kurt na seryosong nagmamaneho. "Tinawagan mo ba sina Pat at Charlotte? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Agad na napalingon sa akin si Kurt pero mabilis na binalik ang tingin sa daan. "I'm sorry. I forgot"

Umiling ako. "Actually, thank you at least di na sila nag-alala." Napansin ko naman ang pag-angat ng labi niya.

We went to the music studio. Silang lima ang may-ari nito. Dito daw sila lagi nagkikita kapag wala sila sa IA. Kung ako may underground gym, sila naman ay music studio.

Kurt gave me a violin. Pansamantala lang daw hangga't wala pa daw ang personal violin ko.

Nagsimula na ang jam session at bagamat ngayon lang kami magsasama-sama ay isang tinginan lang ng bawat isa ay tila alam na ang gagawin ng lahat. Parang may sariling utak din ang mga instrumento namin dahil sa tuwing maririnig namin ang cue ay alam na namin kung saan kami papasok. 

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon