Dahil linggo ngayon ay saktong alas sais akong nakarating sa Azra, maaga kumpara kagabi. Pagpasok ko sa private room ay naabutan kong kumakain si Mario. Agad akong tumabi sa kanya at kumuha ng french fries na nasa plato niya.
"Hey that's mine." Masama niyang tinignan ang fries na hawak ko.
"Ang damot mo naman." Kumuha ako ng isang dakot at natatawang tumakas sa kanya. Dinig ko pa ang pag sigaw niya.
Tumabi ako kay Luigi na abala sa kanyang cellphone at pa simple kong sinilip ang screen. "May bago ka nanamang girlfriend?" tanong ko habang ngumunguya ng french fries. Nakakita kasi ako ng kiss emoticon sa kausap niya.
"Chismosa ka talaga." Agad niyang tinago ang cellphone at kumuha ng fries na nasa kamay ko.
"Curious lang, ito naman," natatawang tugon ko. Kung si Mario ay food is life ito namang si Luigi ay di kayang mabuhay na walang ka-date.
Naramdaman kong may umakbay sa akin kaya't napalingon ako sa likuran. "Xyrus!"
"Stella, ma mi-miss ka namin! Bukas na kami aalis." Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa sinabi niya.
"Ang duga naman. Kung di lang ako sa Intelligent Academy nag-aaral siguro ay makakasama ako sa inyo." Isang linggo kasi sila sa Japan at bukas na ang alis nila.
"May trabaho ka naman dito. Finish your mission with Mr. Mercedes." Tumango ako sa sinabi niya.
"May progress na ba yang mission mo?" pagsingit ni Mario sa usapan habang ngumunguya ng fries.
"Mamaya pa lang ako magsisimula. Alam niyo naman na Weekends lang ako pwedeng lumabas."
"Kaya we never tried to enroll at IA. Napaka arteng school." umiling-iling na tugon ni Luigi. May inabot siya sa aking papel "Mas maigi siguro kung puntahan mo ang bahay nila para kahit paano may ideya ka sa personal na itsura ni Maximo Aurelius."
Kinuha ko ito at binasa. Wala ito sa impormasyon na ibinigay niya. "Ang layo naman ng bahay." Ito ang lugar na nakatira ang mayayamang tao. Malayo sa siyudad at bihira puntahan ng mga ordinaryong tao.
"Expect mo na. Kung tayo ay mayaman, sila sobrang yaman." naiiling na tugon ni Xyrus.
Dahil iiwanan ako nila ako ng isang linggo ay nagkaroon ng munting salo-salo sa private room.
Agad akong umalis matapos mag dinner. Tinignan ko ang address na ibinigay ni Luigi at agad na sumakay ng cab.
Nang makarating ako malapit sa Laverre Hill Village ay inayos ko ang suot kong face mask at tinalukbong ko ang hood sa ulo bago ako bumaba ng taxi.
Dahil ito ang kilalang pinakamayamang subdivision sa siyudad alam kong mahigpit ang seguridad dito.
Naglakad ako paakyat sa hill at nang makarating sa itaas ay naglakad ako sa gilid ng subdivision at napansin na napakataas ng mga pader nito. Kaya nang makakita ako ng mga puno sa likod ay napangiti ako.
Tahimik akong umakyat sa puno at nang mapantayan ko na ang tuktok ng pader ay tumalon ako at sumampa dito. Huminga ako ng malalim at kumuha ng puwersa mula sa aking mga binti bago ako muling tumalon patungo naman sa kabilang puno.
Nang magtagumpay ako ay tahimik akong bumaba habang maingat na pinagmamasdan ang seguridad ng lugar.
Sinikap kong mahina ang tunog ng aking mga paa habang tumatakbo sa kadiliman. Gamit ang locator ay mabilis kong natunton ang Mercedes Residence.
Tumingala ako sa napakalaking mansion. Tatlong beses pa ata ang laki nito sa namin!
Maliwanag ang gusali dahil sa dami ng mga ilaw na nakapalibot dito kaya naman kitang-kita ko kung gaano ang pagka-moderno nito.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...