Chapter 41: Satan's Letter

35.6K 947 66
                                    

Greetings to the next client in hell!

I would like to inform you that you're going to die sooner. I can see you everywhere in this Academy so you don't have a chance to escape or do some foolish actions.

I hope that you're going to die in a tragic way, Stella Mercado Hamilton.

Sincerely yours,

Satan


Tila may kabayong nagkakarerahan sa puso ko matapos kong basahin ang sulat.

Magagaya din ba ako sa sinapit ng Tres Marias o mas malala pa doon?

Isang mainit na yakap ang kumulong sa akin. "You won't die Stella, I'll protect you."

Bakit ako? Naging maingat naman kaming tatlo nila Cloud at Kurt. Ganito pala ang pakiramdam ng makatangap ng liham ni Satanas. I feel it is death penalty.

Kumalas ako sa pagkayakap niya at hinarap siya. "Please Kurt don't tell this to anyone," pakiusap ko sa kanya.

"I will."

I don't want to die but I don't want anyone to get involved in my situation. This is my problem and no one should be harm because of me. Isa lang ang pinoproblema ko, si Kurt. Alam niya ang kalagayan ko at paniguradong makikialam siya sa akin.

Nagprisinta si Kurt na itapon ang kahon at hinayaan ko na lang siya.

Mag-isa ako sa unit at hindi muna ako lumabas. Pinapakalma ko ang sarili ko at iniisip kung sino ang maaring nagpadala ng sulat.

Humiga muna ako sa kama at nagpahinga. Saglit akong umidlip dala ng pagod na nararamdaman.

Paggising ko ay naabutan kong natutulog na sila Pat at Charlotte.

Pumunta ako sa cabinet kung saan doon ko itinago ang kahon at punyal ni kuya.

Muli kong kinuha sa bulsa ang Satan's letter. Hindi ko akalain na parehas kami ng sasapitin ng kapatid ko. Naalala ko na minsan sinulat niya ito at iginuhit sa diary niya.

Bigla kong naalala ang diary ni Kuya. Agad kong hinanap ito sa cabinet ko na malapit sa bintana. Nakatago pa ito sa pinakailalim para hindi makita nila Pat.

Sweat dripped down my forehead even though it was cold inside the room. Kanina ko pa hinahanap ang diary ni kuya pero hindi ko makita. Hindi ito pwedeng mabasa ng iba!

I could feel the strong wind coming from the window. Bigla akong kinabahan. Bakit nga pala bukas ang bintana? Never namin itong binuksan dahil naka aircon kami lagi.

Sumilip ako sa bintana. Damn! Hindi kaya pinagnakawan ako? Pero sino naman kaya ang makakaakyat sa taas ng building na ito?

Sinara ko na ang bintana at napatingin ako sa dalawang kasama ko na mahimbing na natutulog.

Napailing na lang ako. Imposibleng gawin nila ang bagay na labag sa akin at isa pa hindi nila alam ang tungkol sa diary.

Kung lalabas man ako upang hanapin ang diary ay paniguradong mapapahamak lang ako lalo na't may nakamasid lang sa akin. Napaupo na lang ako sa kama at napahawak sa aking sentido. Where is the diary?

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon