"Let's have a break," Kurt said. Lahat kami ay binaba ang kanya-kanyang hawak na instrumento.
Tatlong araw makalipas ang survival camp ay napasyahan namin na mag practice muli ang banda.
Tatlong araw din mula ng gabing makilala ko muli si Thor ay hindi na maayos ang pakikitungo sa akin ni Kurt. Hindi ko alam kung bakit.
Lumabas muna ako sa music room upang magtungo sa vending machine. I need milk to relax.
Pakiramdam ko ito na ang pinakamasarap na fresh milk na naiinom ko o sadyang nalulungkot lang talaga ako ngayon?
"Oh, samahan mo na nito." Para talaga siyang kabute na bigla na lang sumusulpot, but I smiled when I saw what he gave.
"Thanks Cloud, you really know my favorite." I took the cookies.
"And I also know when you're stressed." He smiled at me.
"Hmm. What happened to Kurt Bakit ganoon siya makitungo?" tanong ko habang kumakain ng cookies.
Umiling-iling si Cloud. "Ask him. Dapat kasi nag-uusap kayo."
May ganun? Ako kaya ang hindi pinapansin kaya paano ko siya kakausapin?
Pagbalik namin ni Cloud sa music room ay naabutan kong pilit na sinusubuan ni Margarita ng cake si Kurt. Bagay naman sila kaso hindi ko alam kung matutuwa ba ako.
Napasulyap siya sa gawi ko at nginitian ko siya subalit biglang nagseryoso nanaman ang mukha niya. Hindi ko talaga alam kung ano ang problema niya sa akin.
Tatlong palakpak ang narinig ko. "Let's resume!"
"Steven, before we continue with our practice I want you to hear my suggestion." Sambit ni Troy na naging dahilan ng paglingon namin sa kanya.
Tumango lamang si Kurt na tila walang gana sa sasabihin niya.
"Let's try to practice a love song. Have a duet with Margarita and see if there's a spark." Mababakas ang kapilyuhan sa mukha ni Troy at agad siyang siniko ng katabi niyang si Red.
"I don't mean anything here. I just want to try if the love team in our band is good, di ba mas sisikat tayo kapag ganun?"
"I disagree," Blake said seriously.
"I second that motion," Cloud added
"Bakit Blake, Cloud? Ang kJ niyo naman," si Troy
"Ako? No comment," saad naman ni Red.
I looked at Margarita and now her face was red. Nahihiya siguro?
"How about you Stella?" tanong ni Blake.
Hindi ako agad nakasagot. Dalawa na ang nag "no" at isa ang di sigurado. Kapag humindi ako baka ma offend si Margarita? Kapag nag yes naman ako baka sabihin nila Blake at Cloud ay hindi ako nakikiisa.
"I'm not sure," iyon na lang ang tugon ko. "Pero baka may point si Troy," dagdag ko. Dapat safe ang sagot.
Lumapit si Troy kay Kurt. "Ano bro, payag ka ba?"
I noticed Kurt glancing at me. "Yes," he answered aloud.
"Try this song." Lahat kami ay binigyan ni Troy ng music sheet.
I read the title but I don't know the melody of forevermore. Wala talaga akong masyadong alam na modern song.
"Troy mauna ka sa intro I'll just follow you. I don't really know the song."
"Really Stella? That song is so romantic," saad naman ni Margarita using her sweet voice. "Halos lahat ay alam ang kantang 'yan." Narinig pala niya ang sinabi ko? Nakakahiya, kaya yumuko na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...