Chapter 10: Confidants

58.4K 1.6K 123
                                    

Kakatapos lang namin mag grocery nila Pat at Charlotte sa IA Supermarket matapos ang mga klase namin. Healthy foods ang nabili namin dahil ito lang ang available. Junk foods are strictly prohibited in the academy.

"Bili tayo ng cake," nakatayo ako sa transparent na estante at pinagmamasdan ang iba't-ibang flavors ng chiffon cakes.

"Nako friend, I'm not into sweets." sagot ni Pat.

Pinagmasdan ko si Charlotte na nakangiwing nakatingin sa estante. "Umay na ako sa cake. Mag pizza na lang tayo!" Suhestyon niya.

May mga babae pa lang ayaw ng sweets?

Bumili na kami ng pizza, lasagna na may sariling healthy recipe at juice sa canteen para mag dinner sa loob ng unit. We spent almost ten thousand pesos! Ilan lang naman ang nabili namin.

"Let's get together and have a good time!" sigaw ni Pat habang hawak ang baso niyang may lamang juice.

"Cheers!" we said in unison at pinagdikit namin ang mga babasaging baso kaya't lumikha ito ng ingay.

"This is our first bonding. Dapat kahapon pa but you slept early," saad ni Charlotte sa akin bago sinubo ang pizza.

Tinignan ko si Pat na maingat na sinasalin ang juice sa mga baso namin na naubos na ang laman. "We don't know anything about you, so let's get to know each other first."

Napangiti ako sa sinabi nila. It's nice to hear the word "friend" from them.

Nilunok ko muna ang kinakain kong lasagna bago nagsalita. "I'm from Hamilton family. I was forced to pursue Business Management because of an occurrence five years ago. This semester, my father transferred me to this school. You see, I don't have any control over my life."

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ito pero gumaan ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag kapwa babae ang kausap.

Tila may anghel na dumaan sa paligid. Batay sa kanilang reaksyon ay tila may naalala sila. Napansin kong tumigil din sila sa pagkain.

"I'm sorry to hear that," saad ni Charlotte habang nilalapag ang pizza sa platito.

"What happened to your family was truly heartbreaking news," malungkot na ngumiti si Pat. "Hindi ko kakayanin na mawala din ang kuya ko."

Saglit  na nagkaroon muli ng katahimikan. Hindi na ako magtataka kung bakit si Kuya Zander agad ang naisip nila sa sinabi ko gayon na wala naman akong binabanggit. The Hamilton Family was in the headlines at the time. It only stopped when the case was closed.

Five years ago, nagimbal ang angkan ng Hamilton. Kuya Zander died in a car accident when he was on his way to celebrate Xyrus birthday.

That was the last day his classmates saw him alive. It rained heavily on Saturday night. His car fell on the bridge. Hindi na nakita ng mga rescuers ang katawan niya.

That's the reason why I want to become a detective or police officer so I can have access to the case. Hindi dahil sa wala akong tiwala kundi dahil hindi ako kuntento hanggat hindi ko nakikita ang bangkay.

"Kaya pala you look familiar." Mariin akong tinignan ni Charlotte. Nilapit pa niya ang kanyang mukha upang matitigan ako ng maayos. "Ikaw 'yung babae noon sa news. It never crossed our minds yesterday that you were the daughter of Mr. Adler Hamilton."

Naalala ko pinipilit pa ako kuhanaan noon ng interview.

Nakita ko naman ang pagtango ni Pat at ngumiti sa akin. "And daughter of Stephanie Hamilton. A fashion designer who is well-known in the industry. My mom is a big supporter."

Ngumiti ako sa kanila at binago ang usapan. Hindi din ako sanay na ako ang topic. "I'm done introducing myself. Why not I'll try to guess where family you came from?" Mabilis kong nabago ang sitwasyon. Excited ang dalawa at umupo ng maayos.

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon