Chapter 21: Inside the Ferry

48.9K 1.3K 160
                                    

My wounds began to heal a few days after the incident. Hindi naman daw gaanong malalim ang mga bala kaya't mabilis daw itong gagaling but I still had a triangular bandage to support my arm.

I didn't go home because I was afraid my mom and dad would notice the bandages on my arm. Puwede naman akong dumaan sa bahay kaso hindi ko ginawa.

"Anak, hindi ka talaga uuwi this Saturday?"

Hawak ko ang cellphone habang binabasa ang message ni mom.

"Medyo busy po kasi sa academy. May educational trip po kasi kami"

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ang totoo. Ayokong mag-alala sila kaya magandang dahilan din ang pag-alis namin nila Cloud at Kurt.

"But I hope you can visit next week. Isama mo na din si Steven. Anyway, enjoy your trip!"

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Kurt and I are not close!

Magtitipa sana ako ng mensahe nang tumunog ang cellphone ko at nakita kong may message mula sa group chat.

Xyrus: Bakit wala ka dito sa underground gym?

"I'm busy at the academy, and we have an educational trip,"  tinulad ko ang sinabi ko kay mom.

Luigi: Magpakita ka next week. Sa katapusan ng buwan na ito ay pupunta dito si Mr. Mercedes para sa update.

Napapikit ako sa sinabi ni Luigi. Ni isang impormasyon ay wala pa ako nakukuha tungkol kay Maximo Aurelius.

Mario: We got a little bit of information about him. Don't worry we will help you. Anyway, may pasalubong kami galing Japan.

Ano kaya ang pasalubong nila? Chocolates? 

Tinago ko na ang cellphone ko nang tinawag na ang flight number namin.

Today is Saturday morning. Hindi ako umuwi because Cloud, Kurt and I are at the airport. Ito ang prize namin kay Sir Montemayor sa kanyang Where's the Treasure activity, ang three days free travel in Isla Astralias. I haven't been there. I'm so excited!

Isla Astralias is a small remote island. Malayo sa sibilisasyon kaya't nanatili pa din ang kinagisnan na kultura.

Tanghaling tapat na nang makababa kami sa airport. Sumakay kami sa tourist bus papunta sa pier.

"It's too far," reklamo ni Cloud na tila pagod na pagod habang nakasandal sa upuan. Napapagitnaan namin siya ni Kurt habang ako ay nasa tabi ng bintana.

"Wala kasing airport doon at baka bukas pa ng umaga tayo makarating." Napabuga ng hangin si Cloud sa paliwanag ko. Natawa ako nang makitang sumandal siya sa balikat ni Kurt at agad naman siyang tinaboy nito.

Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang labas. Panay bukirin ang nakikita ko tanda na malayo na kami sa airport.

Hindi naman nagtagal at nakasakay na kami sa barko. Napabusangot ako nang mapagtanto na iisang cabin lang kami. Nakalimutan ba ni Sir Montemayor na babae ako?

May dalawang magkahiwalay na double deck sa loob ng cabin. Pumunta kami sa kanya-kanyang kama batay sa number na nakasaad sa ticket namin.

"Bukas pa talaga tayo makakarating?" tanong ni Cloud na nasa itaas ng deck.

"Oo nga paulit-ulit?" mataray na tugon ko. Ang malas ko naman at parehas kaming nasa itaas ni Cloud. Huwag naman sana niya akong guluhin mamaya.

"Parang hindi naman ito bakasyon, nakakabagot! Parehas pang seryoso ang mga kasama ko, boring!"

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon