Chapter 37: Sinag

36.7K 1.1K 103
                                    

A/N: Ang kabanatang ito ay walang kinalaman sa Philippine History. This is a fiction story.


Ang liwanag mula sa mga flashlight ang nagsisilbing tulong upang mas maanigan ko ang detalye ng lugar na ito. Subalit ang nakakamanghang lugar ay naitataboy ng hindi magandang amoy sa paligid.

This cave shows evidence of the existence of babaylan and I don't think Archaeologists have yet discovered this place. Siguro nga ay hindi pa sila nakakapunta sa kuweba na ito dahil bukod sa pinakaloob pa ito ng kagubatan ay nakatago ang kuweba sa likod ng mga puno.

May mga tuyong halaman at dahon sa paligid ng kuweba at ilang guhit sa dingding na nagpapakita ng mga ritual ng babaylan.

Sa gitna ng lugar na ito ay may mga katamtamang laki ng mga bato na nakaayos sa isang bilog. Sa gitna ng mga batong ito ay may isang kalansay na pinalilibutan ng mga kahoy. Sa palagay ko hindi ito isang babaylan dahil sa ibabaw nito ay may telang camouflage at sa tabi nito ay may baril. I held the gun and based on its design it looked like a gun used in WWII.

I stood up and looked at the medium-sized stones. May mga salitang nakasulat sa baybayin. Kinuha ko ang flashlight ng katabi ko at itinutok ko ito sa mga salita.

"Kailanma'y hindi ko nais na tulutan na maging isang bihag at mas nanaisin ko pa ang makadaupang palad ang diwata ng kamatayan kaysa makinabang sa akin ang mga dayuhan. Bilang isang babaylan ay ipagpapatuloy ko ang paglika ng iba't-ibang gamot na magbibigay lunas sa mga tao.  Batid kong darating ang panahon ay may taong makakatuklas din ng mga pinaghirapan ko at nawa'y makatulong ito sa susunod na salinlahi."  I read aloud what was written on the stone.

"Batid kong hindi din magtatagal ang aking hininga.  Sino ba ang nilalang ang kayang mabuhay ng walang sapat na pagkain o inumin? Ngunit sana'y ang mga nilikha kong mga panlunas ay matagpuan ng may busilak na puso at magamit ito sa wastong paraan. Bago ako tumakas sa aking pinakamamahal na kalupaan ay itinago ko ang aking mga tala sa aking tahanan na nasa dakong burolsa loob ng isang nakakubling sisidlan."

"Isa sa mga pinagsisihan kong bagay ay ang paglikha ng mga gamot na tila nakakagaan ng pag-iisip subalit sa huli ay nakakasira ng pagkatao. Minsan ko na itong sinubukan sa mga hayop, sumunod sa mga bihag ng Datu. Nais ko sanang sirain ang mga tala ng lunas subalit huli na ang lahat,  ito ay bigla na lang naglaho na kailanman ay hindi ko na natagpuanAko'y nababahala sa susunod na mga salinlahi marahil ito'y tumupok sa masamang landas."

"Bantog man akong  mahusay na babaylan ay hindi pa din ako nakakadama ng kasiyahan higit lalong lihim akong nakakubli at wala sa tabi ng aking mga kababayan upang sila ay bigyan ng lunas. Lahat ay nawala sa akin,  pamilya at ari-arian. Sa ngayon, ang hawak ko na lamang ang namumukod-tanging kayamanan ko magpakailanman.  Ako si Sinag,  nawa ang pangalan ko'y magsilbing liwanag sa susunod na henerasyon."

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon