"Kuya," mahinang sambit ko.
Akmang hahakbang na ako paalis sa battle ring nang maalala ko si Kurt. Tinignan ko sila sa malayo, hindi pa tapos ang laban patuloy pa rin ang palitan ng tunog ng bakal.
There are no other rules within the battle ring unless you leave or exceed the laser. I tightened my grip on the Katana and quickly ran towards them.
Akmang hahatawin ko na ang aking Katana nang bigla siyang nawala.
"Sa wakas dumating ka na," napatingin ako sa malayong pinanggalingan ng boses. Nasa harapan siya agad ni kuya? Paano siya nakalabas ng ring nang di ko namamalayan?
"Hinahamon kita sa isang duelo. Walang batas, walang pamantayan; ang mabuhay ang magwawagi," walang bakas ng pagbibiro sa boses ni Brandon.
Hinugot ni Kuya ang kanyang espadang Falchion at itinapat ito sa mukha ni Brandon, "hindi kita uurungan"
Tumawa ng malakas ang baliw na Heneral, "Kahit na malaman mo na magkadugo tayo?" Lagi na lang niya ipinamumuka na magkakapatid kami. Imbis na lumukso ang aking dugo ay kumukulo ito sa galit.
I don't care if you are my legitimate brother or not because the fact that you are the mastermind of this; dominates my mind," puno ng galit ang boses ni kuya.
Tumakbo ng mabilis si kuya palayo sa amin. Alam kong ayaw niyang may mapahamak pero ako ang natatakot para sa kanya.
Sinundan siya ni Brandon papalapit sa dulong bahagi ng silid na ito. Masyadong mabilis ang kanilang kilos na halos hindi ko na masundan ang pagtama ng kanilang mga armas.
Nakarinig ako ng palitan ng tunog ng bakal mula sa aking likuran kaya't mabilis akong lumingon mula dito. Natagpuan ko sina Xyrus, Mario at Luigi na nakikipagtagisan ng laban sa Scorpius. Napasulyap ako sa gawi nila Cloud at ganun din ang kanilang ginagawa - lahat sila ay nakikipaglaban.
Tumingin ako sa aking katabi ngunit wala na si Kurt. Nilibot ko ang paningin ko at nahagip siya ng mata ko habang buhat-buhat niya si Marga. Parang piniga naman ang puso ko sa nakita ko. Alam kong gentleman siya pero bakit niya ito ginagawa kay Marga na halos patayin na ako ng babaeng 'yon.
Kinuha ko ang aking Katana at lumusob ako sa mga tauhan ng Scorpius. Lahat ng galit na nararamdaman ko ay binuhos ko dito. Damang-dama ko ang init na bumabalot sa aking mata at ang tanging sinisigaw lamang ng aking puso ngayon ay pait ng paghihiganti.
Hindi ko mapigilan ang galit ko sa Scorpius dahil sa dami ng kasamaan nila: simula nang mawala noon si kuya, sa mga nangyari sa IA, sa mga studyanteng nagmistulang hayop dahil sa isinagawang eksperimento, sa mga taong kinontrol ang buhay, sa pagtataksil ni Brandon at ni Marga na kahit nakagawa na ng hindi maganda ay may tao pa ding nagbibigay ng halaga sa kanya; ang masakit pa nito ay si Kurt ang gumagawa nito.
"I said stop!" Lumipad ang aking Katana. Doon lamang ako natauhan. Nasa harapan ko ngayon si Xyrus at nakatutok sa akin ang espada niya. May galit sa kanyang mga mata.
"Hindi ikaw 'yan. Ang Akira na kilala ko ay may kontrol sa kanyang emosyon," seryosong saad niya at binaba na niya ang kanyang espada.
Inilibot ko ang paningin ko at doon ko nakita na maraming nakapalibot sa akin na Scorpius ngunit wala na itong buhay. Madami silang sugat sa kanilang katawan at halos di na sila makikilala.
Pinunasan ko ang mukha ko dahil naramdaman kong basa ito. Pagtingin ko sa kamay ko ay punong-puno ito ng dugo. It was only then that I realized that my face was almost bathed in blood; maybe it was from those I killed.
"Nagawa mo na naman," dismayadong sabi niya. "Puwede mo silang patayin pero hindi sa ganoong paraan."
Napayuko ako. "I'm sorry," tugon ko kay Xyrus. Hindi ko sinasadya at nadala nanaman ako ng galit. Napakuyom ang aking kamay at napahawak ako sa aking dibdib. Ano ba itong nangyayari sa akin? The last time I acted like this was when my brother was gone; I killed criminals on our missions.
BINABASA MO ANG
Campus Hunter (Hunter Series #1)
PoetryFormer Title: Intelligent Academy Stella Hamilton is not a typical college student. She stays at Azra Bar every night after classes to accommodate unusual clients. However, she was unable to do so after being transferred to the Intelligent Academy...