Chapter 5: Ignis Band

3.9K 161 8
                                    

Lahat ng estudyante ay nagtungo sa canteen matapos ang orientation. Namamangha kong tinignan ang malawak na espasyo nito at ang napakadaming food stalls sa paligid.

Inisa-isa ko ang mga stalls at napansin na masustansyang pagkain ang nakahain. May nakita pa akong malunggay burger. Dahil sa kuryusidad ay binili ko ito.

"Magkano po?" tanong ko sa staff.

"Three fifty pesos."

Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig. "Three Hundred and Fifty?" Bakas ata sa boses ko ang pagkagulat dahil nakatitig sa akin ang staff.

"Ang mahal naman," bulong ko. Nilabas ko ang isang libo at binayaran ito. Kaya pala ten thousand ang pinabaon sa akin ni mom. Akala ko overacting, mukhang kukulangin pa ata ako.

Pagkatapos ko mamili ng pagkain ay agad kong hinanap ang mga kasama ko. Mabilis ko silang nakita at dumako sa pwesto nila.

Nang nilapag ko ang tray sa lamesa ay sabay na tumingin sa akin ang dalawang babae.

"Burger at milk lang kakainin mo?" tanong ni Pat.

Umupo ako at tumango. "Ang mahal kasi lalo na ang gatas parang ginto. Two hundred isang baso!" napailing-iling pa ako.

"Mahal kasi tax dito," pagbibiro ni Charlotte. "Hayaan mo masarap ang gatas nila super fresh!"

Masama ang loob ko habang kumakain kahit totoong masarap ang gatas. Tila hindi ito makatarungan. Mahal na nga tuition fee mahal pa din ang pagkain? Bakit hinahayaan lang ito ni Uncle James? Napailing-iling na lang ako habang umiinom ng gatas.

Natututo kasi akong mag budget nang mag trabaho ako sa Azra. Gusto ko kasing maging independent lalo na't naghahangad akong bumukod. Bagamat may fund naman ako sa bank ay wala akong balak na galawin iyon lalo na't galing kay dad.

Hindi pa man umiinit ang upuan ko ay nakarinig na ako ng mga pagtili at pag sigaw kaya't nahinto ako sa pagkain.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na well-disciplined. Bakit ba biglang umingay ng sobra?

"Hey Charlotte, Pat, what's going on?" tanong ko sa mga kasama na namumula ang mga mukha. Tinapik ko pa ang mga ito dahil hindi ako pinapansin kaya't lumingon ako at sinundan ang tinitignan nila.

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante dahil litaw na litaw ang presensya ng limang lalaki. Pamilyar sa akin ang bulto ng katawan nila. Saan ko ba sila nakita?

Nanliit ang mata ko nang makilala ko ang isa sa kanila. Alam ko naman na mag ku-krus ang landas namin ni Steven Kurt lalo na't nasa iisang block section kami. Pero hindi ko maintindihan kung bakit isa siya sa pinagkakaguluhan.

"Who are they?" tanong ko sa mga kasama ko nang ibinalik ko ang tingin sa kanila.

Napansin ko ang pagka kunot ng noo ni Charlotte. "Don't you know who they are?"

Umiling ako bilang tugon. "I'm just new here."

"Weh?" nakataas pa ang kilay ni Patricia. "They are known even at Thompson University. Saang planeta ka ba galling?" natatawang ibinalik niya ang tingin sa limang lalaki. "Anyway, they are the Ignis Band, the famous boy band of the Intelligent Academy."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Pat. Si Steven Kurt ay isa sa grupo nila? Bakit hindi man lang ito isinama ni Luigi sa impormasyon na ibinigay niya? 

Ibinalik ko ang tingin sa limang lalaki. This is the first time I have seen their faces. They are always masked when in Azra. Kaya pala pamilyar ang bulto ng katawan nila.

Lumabas na sa canteen ang sinasabi nilang Ignis Band. Bumili lang sila at hindi nagtagal. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala ang ingay. 

After we ate, Charlotte and Patricia went back to the flat. Nagpaiwan ako upang maglibot at sinubukan ang IA Map.

I hold the tablet in my hand as I walk down the field. Naisip ko na dito dumaan dahil nakita ko na ito ang shortcut patungo sa New Library. 

Sa gilid ako dumaan dahil napansin kong may naglalaro sa soccer field. Ang tirik ng araw subalit pagtuloy sila sa pag-aagawan ng bola.

I continued to walk while holding the tablet, but I stopped when I felt odd energy coming from my left side. I sat down instantly to avoid it.

Sinundan ko ng tingin ang bola na tumama sa puno. Namilog ang mga mata ko nang makakita ng mga alikabok sa puno na mula sa sinipang bola. Sino ang may gawa nito? Ang lakas ng pwersa!

Sa gilid ko may napansin akong pares ng paa. Mabilis akong tumayo at nakasalubong ko ang isa sa mga miyembro ng Ignis Band, walang iba kundi si Steven Kurt. He looked at me carefully and thoroughly before turning his gaze to the ball.

"Who are you?" malamig ang kanyang boses tulad ng narinig ko kagabi. Ang tanong niya ang nagpapahiwatig na hindi niya ako namumukhaan.

Hindi ako nakapagsalita dahil ang tingin niya ay tila mangangain ng tao sa talim nito. May nagawa ba akong kasalanan?

"How did you manage to avoid the ball?"

Natauhan ako sa tanong niya. Hindi naman ako mangmang para hindi maintindihan ito. 

With such force, how can someone immediately evade the ball? Pero ang dapat na tanong, bakit ganoon kalakas? Gusto kong ibalik ang tanong sa kanya. Who is he? Simulang magkita kami sa black room kagabi ay alam kong may kakaiba na sa kanya.

I shrugged my shoulders as if I had no idea what was going on. "Sumakto lang, inayos ko kasi ang sapatos ko," pagdadahilan ko na hindi ko alam kung paniniwalaan niya lalo na't wala namang sintas ang suot kong black shoes!

"Next time mag-ingat kayo. Hindi sipa ng sipa ng bola para walang maaksidente. You don't own the field. We all pay tuition fees," sinubukan kong sungitan ang boses ko. Ito ang way ng mga babae para makalayas sa usapan.

He did not attempt to apologize. He was staring directly at me. Umalis na lang ako sa harapan niya bago pa siya magkaroon ng panibagong tanong.

Mabilis akong naglakad paalis sa field subalit di pa man nakakalayo ay napahinto ako nang may humarang sa akin.

"Long time no see Stella." Naka krus ang kamay niya habang nakatingin sa akin.

"What do you want, Uncle James?" Ito ang unang pagkakataon na makakausap ko siya.

Lumapit siya sa akin at walang bakas sa mukha niya ang pagbibiro.

"Why do you want me to study here?" dugtong na tanong ko kay Uncle James. Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Alam naman namin sa isa't-isa na siya ang dahilan ng paglipat ko dito.

"Go to my office after your class tomorrow. I'll tell you everything."



End of Chapter 5

Campus Hunter (Hunter Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon