Rosella's Pov
"9-Einstein sila diba? Paunahin niyo sila sa pila!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga estudyante na nandito sa canteen.
Nakita siguro nila na pipila kami para bumili ng pagkain.
Ang buong klase ng 9-Einstein ay nandito sa main canteen para sabay-sabay na kumain.
Lagi kaming gan'to---magkakasama, walang iwanan kumbaga.
Dahil hindi naman kami kasya sa iisang table lang, nagsama-sama na lang sa iisang table ang mga magkakaibigan, pero magkakatabi lang naman ang mga table namin.
"Ahm. Guys, Ngayon ang birthday niya diba?" Halos napatigil ang lahat ng Einsteins sa sinabi ni Jazcha.
Jazcha Villarante, isa sa mga malalapit kong kaibigan.
Nagulat na lang kami nang hinampas ni Joyce ang table namin.
"Jazcha Villarante" sigaw ni Joyce.
Lahat kami napatingin sa kanya at tumingin ulit kay Jazcha, na mukhang narealize kung ano yung tinanong niya.
"Sinong may birthday?" sarcastic na tanong ni Joyce na nakataas ang isang kilay.
Si Joyce Castañeda, sya ang "Queen Bee" sa buong school na 'to. S'ya din ang class president namin.
"Ah. Wal---" Hindi naituloy ni Jazcha yung sasabihin niya dahil sumingit agad si Coleen.
"Birthday ni Denia ngayon, nakalimutan niyo ba?" mataray na saad ni Coleen.
Si Coleen Ferrer, sya ang Campus Princess. Ang vice president ng klase namin. Kakontra niya lagi si Joyce. Water and Fire o Aso't pusa ang bansag sa kanila.
Nakita ko naman na nakahinga nang maluwag si Jazcha.
"Tama si Coleen, birthday nga pala ni Denia. Dapat magcelebrate tayo diba?" Tumayo na ako at sumingit.
"Oo nga pala." Mukhang kumalma na si Joyce at kumain na lang ulit.
Tiningnan ko yung table kung nasaan ang Birthday Girl pero wala na sila doon.
Mukhang tapos na ata sila kumain at nauna na umalis.
---"Dadaan ang mga taga-Einstein, padaanin niyo sila!"
"Tabi! Uy. Tumabi kayo! Dadaan sila!"
"Magandang araw sa inyo, Einsteins."
Halos yan ang mga naririnig ko rito sa hallway. At lahat ng nadadaanan namin ay tumatabi at nagbibigay ng galang sa'min.
Naghiwa-hiwalay ang buong klase pagtapos kumain, dahil ang iba ay magc-cr, ang iba naman ay pupuntang library dahil maaga pa at ang iba babalik na sa classroom.
Pagpasok namin ng classroom, ang lahat ay may kanya kanyang mundo. Halos nagkakagulo.
Hindi naman pinansin ni Joyce ang buong klase kahit sobrang nagkakagulo na.
Ang iba ay nakaupo habang nagpapatugtog at nakataas pa ang mga paa sa isa pang upuan.
Ang mga babae ay may kanya kanyang usapan.
Ang mga lalaki naman ay naguusap din.
Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang grupo...
"Mukhang mas maganda ata yung uniform mo Alysson kung may drawing 'to." Sabi ni Patrick at nagdrawing ng mukha na may sungay sa uniform ni Alysson gamit ang permanent marker.
"T-teka! W-wag! P-p-parang awa niyo na wag!" sigaw ni Alysson habang sinusulatan naman ni Renuel ang mukha niya at hawak ni Robert ang mga kamay niya.
Tiningnan ko ang paligid parang wala silang pakialam. Hindi pala, wala talaga silang pakialam.
Gusto ko tulungan si Alysson pero natatakot ako. Natatakot akong kalabanin ang mga kaklase ko.
Natatakot akong matulad sa kanya.
…
Disiplinado..
Edukado..
Tahimik tuwing walang guro sa klase..
Mapagkakatiwalaan.
Mga anghel, sa madaling salita.
Yan ang tingin ng iba sa amin.
Napailing na lang ako dahil ang tingin ng ibang estudyante sa aming section ay ibang iba sa katotohanan.
****
Ella's Pov
"La la la--" Napahinto ako sa pagkanta nang sumigaw si Joyce.
"Denia, may party ba sa inyo bukas?" Nakataas ang kilay ni Joyce habang nagsasalita. Ang lahat ay napahinto sa kanilang ginagawa at pinapanood kung anong susunod na mangyayari.
"Oo. In---" Naputol ang sasabihin ni Denia kasi sumingit na naman si Coleen.
"Bakit mo tinatanong, may balak ka bang sirain ang party niya?! Come on Joyce! Kung ako kay Denia, hindi kita iimbitahan." Mataray na sabi ni Coleen. Nagtitigan nang masama ang dalawa, ramdam na may tensyon sa pagitan nila.
"Alam ko, ang kausap ko dito ay si Denia, hindi ikaw." sarcastic na sagot ni Joyce.
"T-tama na. Invited k-kayong lahat. Please... Wag na kayong mag-away," sabi ni Denia. Lumapit ako kay Denia para mapanatag ang loob niya.
"Denia, pupunta ako. Don't worry, di naman kita iiwan eh." ngumiti ako sa kanya para mawala ang kaba niya.
Denia Willford, ang kaklase kong mahinhin, halos di nagsasalita at masyadong mahiyain.
"Ella, samahan mo ko sa CR," biglaang sabi ni Coleen kaya sinamahan ko na siya.
"Pwede bang magsilabas muna kayo?" Saad ni Coleen. Nagsilabasan naman ang mga babae kahit ihing-ihi na sila.
May sariling CR ang Einsteins pero mas pinili ni Coleen na mag-CR dito sa ibang building.
"You're so bad!" Nagpout ako sa kanya.
"I know." nginitian niya ako. Wala talagang tatalo sa KAMALDITAHAN ni Coleen. Napailing na lang ako.
Pumasok na lang din ako sa isang cubicle. Naiihi na rin ako.
Bumalik na kami sa classroom namin. Nagkakagulo parin ang lahat.
Wala daw ang Math Teacher kaya todo hiyawan ang mga kaklase ko. Sabagay, napakaboring ng Math.
Matutulungan n'ya sana ako para mas maintindihan ko ang math...
Kung nandito lang sya.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.