Chapter 34: The Brave and The New King

25 3 0
                                    

Ashley's POV

Weirdo. Isang weirdo si Alex.

Lumapit sya sa amin ni Karl pero bigla rin syang tumalikod nung banggitin ni Karl ang pangalan niya.

"Wag kayo masyadong malungkot" sinabi niya yan habang nakatalikod at bigla na rin naglakad palayo.

Wag kaming masyadong malungkot?

Tumingin ako kay Karl pero napatingin lang rin sya sakin at yumuko.

"Tama, Ashley, wag ka masyadong malungkot." Tinaasan ko sya ng kilay at tinitigan. Ano pinagsasabi neto?

"Bakit? Dahil ilang linggo na rin nung mamatay si Robert? Dapat ba magsaya na ako, ganon?" Malamig na sabi ko sa kanya.

Ngiti lang ang sinagot nya sakin.

Ano?

-

Karl's POV

Ashley. Malalaman mo rin.

Nakita ko pa na gustong magtanong ni Ashley pero bigla na lang tumayo si Joyce na may hawak na folder.

Dan Alonzo
Irene Baldemor
Jeizzelle Camero
Joyce Castañeda
Ryan Coller
Darryl Cubillas
Coleen Ferrer
Alysson Montenegro
Kristal Natividad
Ashley Ortega
Rachelle Romero
Quencie Santos
Ella Sullivan
Karl Villamarin
Camille Villanueva
Jazcha Villarante
Denia Willford
Alex Willford

Isa-isa binanggit ni Joyce ang mga pangalan namin, pangalan ng mga buhay pa.

18. Labing-walo na lang kami at nakakasiguro ako na nandito pa ang mga pumapatay.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Joyce.

"Labing-walo na lang tayo. Kayo ang pamilya ko." Malungkot na wika niya.

Ramdam ko naman ang biglang pagbabago ng tingin ni Ashley kay Joyce.

Si Joyce pa rin ang pinaghihinalaan niya na sumaksak kay Robert.

At alam kong tama sya.

"Stop it, Joyce. Stop the fvcking drama of yours." Galit. Puno ng galit na sabi ni Ashley.

"Right. You just love the idea of us. Idea of yours na tingin mo samin ay pamilya. Dahil hindi, hindi kami importante sayo." Gatong pa ni Coleen na mukhang natutuwa sa nangyayari sa pagitan ni Ashley at Joyce.

"Bakit ba tayo magtatalo pa kung kakaunti na lang tayo? Ano ban---" Hindi na natapos ni Joyce ang sasabihin niya dahil sa biglaang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Maam Sonya.

Simula nang mamatay si Maam Dela Croix, sya na ang palaging tumitingin samin, ang unofficial adviser ng section namin.

"Tama, kakaunti na lang kayo, kaya naman napagpasyahan ko at ni sir Reine na dagdagan kayo." Ngumiti pa si Maam Sonya matapos niyang sabihin yun.

"Ano?" Gulat na sabi ng karamihan.

Malas. Malas ng mga estudyanteng makakapasok sa section na ito.

"May mga estudyante kami mula sa ibang section ang nais naming ilagay sa section niyo. Tutal naman ay mukang nauubos na kayo." Nakangising sabi ni maam Sonya.

Nauubos? Bakit parang sinabi niya ang katagang yun na parang wala lang. Para lang kaming bunga ng isang halaman na malapit nang maubos.

"Sino? Sino sila?" Tanong ni Joyce na hindi ko mawari kung nag-aalala ba sya, natatakot o naeexcite.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon