Joyce's POV
"J-Joyce, m-may aaminin ako." Halos sampung minuto na kaming magkaharap ni Via at malayo sa mga kasamahan naming gumagawa ng booth at sa wakas, nagsalita na sya.
"Ano yun?" Di ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba.
"Ako."
"Anong ik--" napatigil ako nang putulin niya ang sasabihin ko.
"Ako ang pumatay kay Rhona."
-
Sa bawat pagpikit ko ng mga mata ko ang huli naming paguusap ni Via ang nakikita ko.
Nakakainis! Hindi namin natapos ni Via yung paguusap namin dahil narinig at nakita pala kami ni Rosella.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko at nagbabakasakaling makatulog kahit sandali.
Pero agad akong napabalikwas nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko.
"Darryl?" Mahinang pagbasa ko sa pangalan ng taong tumatawag sakin.
"Joyce, nasan ka ba?" Rinig na rinig ko ang mabigat na paghinga ni Darryl sa kabilang linya.
"Roof top. Matutulog sana." Bored kong sagot sakanya. Sobra akong inaantok dahil kagabi pa ako walang tulog.
"Pumunta ka dito sa booth natin! Si Patrick kasi pumasok dito sa loob at sinubukan maglaro." Agad na nanlaki ang mata ko at napatayo mula sa pagkakasandal ko sa pader ng roof top.
"The hell? Bakit niyo sya hinayaan?"
Tumakbo na ako pababa ng roof top. Shit. I forgot to tell them na wag pumunta sa booth namin!
"Nagpumilit sya e. Teka! Nasa clinic na sya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"O nasan kayo?" May inis na sa boses ko. Bakit nila iniwan si Patrick dun? Alam ba nila na delikado ang bawat isa samin sa mga pesteng killers na yan!
"Papunta kami sa bakanteng lote kung saan natin natagpuan yung bangkay ni Andrea, Nandun daw kasi si Mariel!"
Mas lalo akong kinabahan. Ano na naman ba to?! Sinasabi ko na nga e.
"Wag kang magalala kasama ni Patrick si Kristal sa Clinic." Napahinto ako at nabitawan ang cellphone ko.
Hindi dahil sa nagulat ako sa sinabi ni Darryl pero dahil sa taong nasa baba ng hagdan.
"Bah?..." tumulo bigla ang mga luha ko at patakbong lumapit sa taong nakahandusay sa mismong baba mg hagdan.
"Angelo!"
Agad akong napatingin sa braso niya.
Tuloy tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko.
Mahigpit akong napayakap sakanya dahil sa nabasa ko.
'I'm a killer.'
"Bakit ka pumasok sa booth namin, Angelo?"
Nakakapagtaka lang dahil may sugat rin sya sa kabilang braso. Isang napakalalim na sugat.
Napatingala ako nang makarinig ako ng ingay. Ingay na parang may nasanggi.
Nanlaki ang mata ko nung makakita ako ng isang tao, hindi, isang babae. Isang babae na tumatakbo palayo. Kitang kita ko ang mga dugo na tumutulo mula sa kamay niya.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Misteri / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.