Chapter 42: The Last Game

21 1 0
                                    

Rosella's POV

Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang dapat gawin.

Nahiwalay pa sa amin si Ashley. Sigurado akong siya ang gustong patayin ni Dabria, sigurado akong malaki ang galit nila sa isa't isa.

Lumabas na kami sa pinasukan naming kwarto kanina.

Naglalakad kami ngayon sa may hallway.

"Rose!"

Napatingin ako sa biglang sumulpot sa harap namin, si Darryl.

Nag-iisa na lang ito at halatang balisa.

"Rose, pinatay ni Dabria ang mga kaibigan niya, si Lorily at Marynhel. Sigurado akong hinahanap na niya si Ashley," nanginginig na sabi Darryl. "Gustong gusto niyang makalabas. Handa pa siyang pumatay ng mas marami para raw dalawa kaming makalabas."

Nagkatinginan kami nila Karl.

"Kahit masunod natin yung inuutos nila, papatayin pa rin nila tayo. Kahit makapatay tayo ng tatlong kasama natin ay papatayin pa rin nila tayo."

Ngayon napatingin kaming lahat kay Camille. Tama siya. Alam naming walang matitira saming buhay kung hindi namin mapapatay ang mga killer.

Napatingin ako sa paligid. Napakadilim.

Ashley, saan ka ba nagpunta?

"Kailangan nating hanapin si Ashley. Kailangan na natin maghiwa-hiwalay para mahanap siya" seryosong sabi ni Joyce.

Tututol sana ako nang makarinig kami ng isang malakas na tunog ng pagkabasag ng kung ano at isang pagsigaw.

Sigaw ni Arjay.

Napatakbo kami sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.

Si Jhona, nasa harapan niya ang walang malay na si Arjay at ang basag na vase.

Kumuha pa siya ng isang bubog nito at hiniwa sa leeg ni Arjay, sinisigurong wala na itong buhay.

Nanginginig na ako sa galit at takot nang bigla pa siyang tumingin sa direksyon namin at ngumisi.

Tumayo ito at nag unat pa.

"Dalawa na lang."

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay agad kaming tumalikod at tumakbo.

Hindi ko na napansin na may nakahawak sa braso ko at humila sakin patakbo para magtago. Nahiwalay na rin kami sa iba.

"Asan na tayo Karl? Asan yung iba" bulong ko habang nagtatago sa likod ng pinto ng isang kwarto, sobrang dilim dito dahil halos walang liwanag na pumapasok sa bintana at walang pulang ilaw.

Napakalaki naman ng mansyong ito, nasa ibang kwarto na naman kami.

"Ako 'to Rose" napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon at nakasilip sa labas ng pinto.

"Dan" si Dan pala yung humila sa'kin.

Lumingon ako sa paligid. Nahiwalay nga kami sa iba.

Napakadilim sa kwartong ito.

Dala na rin ng pagod, napaupo ako at napasandal sa pinto na sinundan din naman ni Dan.

Napabuntong hininga ako.

"Sana okay lang sila Ashley, Camille, Joyce at si Karl."

"Sana okay rin yung iba nating mga kaklase."

Pumikit ako pero agad ding napadilat nang marinig ko na naman ang tunog na napakasakit sa tenga.

"Hello. Ang corny niyo naman maglaro. Dalawa lang yung pumapatay? Si Jhona at Dabria lang? Ang KJ niyo naman" sa pagkakataong ito boses na ito ni Denia.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon