Chapter 18 : Playing with Death

267 9 4
                                    

Shan's POV

Tumingin ako sa paligid ng apat na sulok ng kwartong to.

Sobrang kakaiba na.

Yung dating kwarto na puno ng tawanan, puno ng asaran at masasayang alaala, ngayon ay wala na.

Puno na ito ng takot, ng lungkot at paghihinagpis.

Isang linggo na ang nakakalipas nung nakipaglaro samin ang mga demonyo.

Isang linggo na rin simula nung maging ganto katamlay ang buong klase.

"Ahm. Shan, paabot nga nung bag ko. Uuwi na ako." Pasuyo ni Coleen. Matamlay na rin sya. Di na siya pasigaw kung magsalita.

"Ito oh." Sakto nung pagkaabot ko sa kanya ng bag niya ay ang malakas na pagtawa ni Mariel.

Tumatawa siya na may luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata.

"Sabi ko naman sa inyo e. Papatayin nila tayo. Papatayin nila tayong lahat."

Napayuko na lang ako sa sobrang frustration at lungkot.

Apat sa klase namin ang namatay at anim ang nasa ospital.

Pinalabas na lang namin na may sakit sila at yung mga namatay ay nagdrop out para wala masyadong maghinala.

Hah! Sinong niloko ko? Halos lahat ng teacher namin nagtataka na kung bakit sunod-sunod ang mga nagd-drop out samin.

Tumayo na ako pero sakto nung pagtayo ko, nakabunggo ko si Denia. Napahawak ako sa balikat ko, natamaan kasi.

Nandito parin yung hindi pa naghihilom na sugat. Sugat na nagpapaalala sakin nung nangyari nung nakaraang linggo.

Flashback

Nang idiniklara na nagsimula na ang laro, nakarinig kami ng sunod-sunod na pagputok ng baril.

Lahat kami nabigla at nagpanic. Ang orihinal na plano namin na dapat laging may kasama ay nasira.

Nagtakbuhan ang karamihan sa iba't-ibang direksyon. Ang ibang nagulat ay napaupo at napatakip sa ulo.

Sa gulat ko at dala ng pagpapanic ay napatakbo ako. Napatakbo ako papunta sa Computer Lab.

Nawala yung mga kasama ko. Pero rinig na rinig ko ang mga sigawan at pag-iyak.

Nanatili lang ako sa pwesto ko habang hawak ko ang pocket knife na lagi kong dala.

Ilang minuto rin bago ako makarinig nang malakas na sigaw. Sigaw na mula sa taong gusto ko. Sigaw niya sa pangalan ng sa tingin ko ay gusto niya.

"Robeeeeeerrrrt!"

Napatayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon kung saan ko narinig ang boses niya.

Ang boses niya na napakalamig pero alam mong may halong pagaalala...

Ashley.

Tumatakbo lang ako nang madaanan ko si Ella.

Nakaupo si Ella sa gilid ng Principal's Office at nakayuko. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya.

Napatigil ako sa pagtakbo at dahang-dahan na lumapit sa kanya. Mukhang naramdaman niya ang presensya ko kaya agad na umangat ang tingin niya. Nagpunas sya ng luha at ngumiti. Ngiti na hindi umabot sa mata niya.

"S-shan." Nahihirapang Saad niya.

"Si C-Coleen, Shan! Si Coleen!" Napatingin si Ella sa likod niya kaya napatingin na rin ako. Si Coleen nga na mukhang nawalan ng malay.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon