Karl's POV
Madami na ang namamatay. Una si Marco, sumunod si Lara, Jherry Mae, Claire at ngayon naman si Dick Patrick at si Ma'am Salome?
Bakit may teacher pa na nadamay? Ano bang nangyayari?
Napatingin ako kay Rosella na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Tumigil na sya sa pag-iyak. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Dick Patrick.
Nagulat pa ako nang tawagan niya ako kahapon.
Flashback
Pagkauwi ko deretsyo na ako sa kwarto at natulog.
Nasira ang pagtulog ko nang narinig ko ang pagring ng phone ko.
Kinabahan pa ako nang makita kong si Rosella pala yung tumatawag.
(Karl tulungan mo ko! Tulungan natin si Dick Patrick!) Mas lalo pa akong kinabahan nang marinig ko yung boses niyang nanginginig.
"Nasan ka?! Nasan si Dick?!" Nagmadali akong bumangon at kinuha ang susi ng motor ko.
(Nasa bahay ako pero si Dick malamang nasa school pa! Magkita tayo sa gate ng school! Hintayin mo ko!) Nagpapanic na rin siya at halata yun sa boses niya.
Nung pinatay niya ang tawag agad akong pumunta sa school. Malapit lang naman ang bahay ko sa school pero sa mga oras na to feeling ko malayo. Habang nagpapatakbo ako ng motor dinadasal ko na sana ayos lang ang lahat na sana walang masaktan.
Pagdating ko sa school, wala pa si Rosella pero mga ilang minuto lang dumating na rin siya.
"Karl, pumasok na tayo sa loob. Baka nasa panganib si Dick!" Hinila niya ako agad papasok ng gate. Medyo madilim na. Kakalubog lang kasi ng araw. Nung dumaan kami sa gate at sa may guard house medyo nakakapagtaka dahil walang guard dun kahit isa. Diba dapat nagbabantay sila? Hindi ko na dapat isipin yun at tumakbo na lang din.
Una naming pinuntahan ang Cr---ang private cr na para sa Einstein lang. Dito namin natagpuan si Lara at Marco pero ngayon walang tao rito o kahit anong bakas na may pumunta rito.
"Wala dito!" Sobra na ang pagpapanic ni Rose. Natataranta syang tumakbo sa Classroom namin kung saan naman namin nakita si Jherry Mae at Claire pero wala pa din si Dick Patrick dun.
Tumakbo kaming computer lab dahil alam ko dito pupunta si Dick kaninang uwian pero nakasara na to.
"Wala rin sya dito." Kalmado kong sinabi. Pag ako nagpanic alam kong mas magpapanic tong kasama ko.
Humarap ako kay Rosella, umiiyak na siya. Feeling ko nanlambot ang mga tuhod niya at babagsak siya pero hinawakan ko agad siya sa magkabilang braso para magbigay ng suporta.
"Nasan na si Dick Patrick? Pag...pag hindi ko siya naligtas, ako...ako may kasalanan nun. Ako!" Tuloy tuloy na ang pagagos ng luha niya. Pinunasan ko naman yun at pilit na ngumiti sa kanya.
"Mahahanap natin sya. Hahanapin natin siya." Tumango naman siya at ngumiti rin sakin. Isang pilit rin na ngiti.
Patakbo na kami para maghanap sa ibang building pero nakakakalahating oras na kami hindi pa namin nakikita si Dick Patrick.
Bakit ba ang laki ng eskwelahang to?! Patakbo na sana kami sa kabilang quadrangle kung nasaan ang rooms ng Grade 7, faculty rooms at ang Science lab nang harangan kami ng isang tao.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.