Chapter 16 : Locked

385 10 3
                                    

Darryl's POV

"Ano bang nangyayari?!"

"Damn! What's going on?!"

"Bakit ba to nangyayari?"

Nung nakita namin ang mga picture ni Ron agad kaming tumakbo palabas at naghiwa-hiwalay para hanapin siya.

Kami na lang din ang tao dito sa school. Dahil kanina pa ata naguwian ang iba.

Kinilabutan at lubos kaming kinabahan nung matagpuan namin siya sa abandonadong CR na malapit na rin gibain at tayuan ng panibagong building.

Ang mga babae naming kaklase ay tumalikod at nagsimula na ngang magsi-iyak maliban kay Ashley, Jeizzelle at Mariel. Si Ashley na titig na titig sa bangkay ni Ron. Si Jeizzelle na nakaupo sa sulok malapit sa pinto habang hinihimas ang natutulog na kanyang pusa. At si Mariel, na malapad ang ngiti habang bumubulong sa kanyang manika.

Nakatali ang mga kamay at paa ni Ron tulad nung nasa litrato. Pero ang nasa litrato may mga damit pa sya at puro itim ang background.

Hubo't hubad si Ron na nakatali ang kanyang mga paa at kamay. Ang mas nakakadiri sa lagay niya ay ang pagkakaputol ng kanyang ari at patuloy parin ang pagagos ng dugo mula dito.

May nakasulat rin sa may dibdib niya at sa magkabilang binti.

Nakasulat sa dibdib niya ay ang salitang 'Clues : '

Nakasulat sa kanyang kanang binti ay 'akuma'. Sa kabila naman ay 'Justine'.

Napatingin kaming lahat kay Jeizzelle at Mariel.

"Sumagot nga kayong dalawa.." Panimula ko. Agad ko namang nakuha ang atensyon ng dalawa. Tinitigan ako nang blanko ni Jeizzelle habang ngumiti naman si Mariel. "Anong kinalaman niyo rito?"

Tumawa nang napakalakas si Mariel. Tawang nakakapangilabot. "Mamamatay tayong lahat. Wahahaha."

Lahat ng ingay ay natigil nung magsalita si Jeizzelle. "Naghihiganti si Justine, mga mamamatay tao."

Hinila patayo ni Joyce si Jeizzelle at sinampal.

"Crazy Bitch!"

"Kung ayaw niyong maniwala, edi wag. Totoo namang mamamatay tao kayo." Deretsyong saad ni Jeizzelle. Binuhat niya ang kanyang pusa at hinimas.

Ngumisi si Joyce at nagcross arms.

"Wag ka ngang magsalita na parang wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Justine. Na parang wala kayong kinalaman sa pagkamatay ni Justine na kinababaliwan niyo."

"Stop that argument. Lahat ng di naman kailangan dito, magsi balik na kayo sa Classroom. Wala munang uuwi. At Jazcha? Ikaw na ba magpapalinis nito?" Lumingon si Coleen kay Jazcha.

Umiling si Jazcha at saka sinabing "Tayo na lang ang nandito sa loob ng campus. Wala na yung mga tagalinis."

"Yung mga dugo at katawan lang naman ni Ron ang lilinisin diba? Ako na bahala sa CR nato. Ilibing niyo na yang bangkay ni Ron." Presenta ni Ella. Lumapit si Jude, Shan at Ryan kay Ella at sinabing sila na raw ang bahala sa bangkay.

Kami naman ay bumalik sa room.

"Gusto ko na umuwi." Tumayo si Rachelle at akmang lalabas na pero humarang si Joyce sa pinto at sinara ito.

"Walang uuwi." Malamig na sabi niya.

"Ano bang paguusapan natin?" Kung malamig na ang boses ni Joyce mas malamig ang boses ni Ashley na naging dahilan ng pagtahimik namin.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon