Rosella's Pov
"Rachelle Romero"
"Present!" Naga-attendance si Mrs. Lailani Delacroix, ang aming Adviser."Andrea Romualdez"
"Present!"
Hindi alam ni Mrs. Lailani ang mga nangyare. Ang alam niya nagtransfer na lang bigla si Marco.
Hindi ko alam kung bakit hindi nagpaimbistiga ang mga magulang ni Marco. Hindi ko alam ang ginawang solusyon ni Joyce para dun, pero ang alam ko involve dun ang pera.
Napalingon ako ng kalabitin ako ni Camille. At itinuro ang harap gamit ang nguso niya.
Camille Villanueva, bestfriend ko. Mas kilala syang 'the straightforward princess' ng Einstein.
"Ms. Rosella Sanchez! Lumilipad ata ang utak mo! Tatlong beses na kitang tinatawag."
"Ah. Sorry po. "
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kahihiyan pero hindi ko na masyadong dinibdib.
Isang linggo na ang nakararaan nang mamatay ang isa naming kaklase.
Inikot ko ang tingin ko sa buong Einstein, mga simpleng nakangiti, seryoso ang mukha ng iba, ang iba naman mala-anghel ang mga itsura. Tahimik na nakikinig sa guro na nasa unahan.
Haaay.
O dapat ko bang sabihin na, mga nagtatago sa mga mala-anghel na mukha.
Panigurado paglabas ni Mrs. Lailani, magkakaroon na naman ng kanya kanyang mundo ang bawat isa sa amin.
Pero teka, sino nga kaya ang gumawa kay Marco nun? Sino nga kaya ang pumatay sa kanya?
Alam kong may mali nung araw na yun. Alam kong may di tama pero ano?
"Everyone! Remember the rule I've given to you the day that Marco died?" Naagaw ni Joyce ang atensyon namin at lahat ng ito ay nasa kanya na ngayon. Wala narin si Ma'am Lailani.
Teka, ang rule na yun. Ang rule na paniguradong magpapalala ng lahat.
Flashback:
Pagbalik nila Karl galing Principal's Office. Bumalik na rin kaming lahat sa Classroom.
Inutusan naman ni Joyce si Ryan Coller, McGlenn Cristo at Ron Reyes na ilibing si Marco sa likod ng school.
Hindi man lang ba nila bibigyan nang maayos na libing si Marco?
"Di niyo man lang ba bibigyan ng maayos na libing ang kaklase natin?" natahimik ang lahat ng biglang nagsalita si Ashley.
Mukhang pareho pa kami ng iniisip. Mas malakas nga lang ang loob niya para magsalita.
Ashley Ortega, ang Ice Princess ng Einstein. Nakakausap namin sya, oo. Nakakatawanan pero bihira.
"Bakit pa? Mahirap lang sila hindi din kaya yun ng mga magulang niya." Mataray na sagot ni Coleen. Tiningnan lang sya nang blanko ni Ashley at umupo na ulit.
"Tss. Mga walang kwenta."Narinig ko pang bulong ni Ashley. Katabi ko kasi sya sa may kaliwa.
"Bibigyan naman natin ng maayos na libing si Marco pero hindi pa ngayon, kailangan muna natin itong itago." Bumuntong hininga si Joyce nang sabihin niya yun. Lahat kami ay nakikinig sa mga susunod niyang sasabihin.
"At may rule akong ipapatupad. Ang sino mang makakaalam ng sikreto natin, ang pagkamatay ni Marco at ang nangyari nung bakasyon ay kailangang mamatay." Nagulat ang lahat kahit ako. Tiningnan ko ang mga kaklase kong may sari-sariling komusyon.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.