Chapter 35: Welcome Back

29 2 0
                                    

"Try not to become a man of success, but rather try to become a man of value."
- Albert Einstein

-

Jazcha's POV

Third week na ng October, ibig sabihin, next week na ang Pageant, ang Ms. UN.

Malapit na mag sembreak at ang sembreak dito ay first two weeks ng November. Mula November 1 hanggang 14.

Napatingin ako sa classroom namin, lahat aligaga para sa finals bago matapos ang quarter na ito.

Wala na ring namatay at dalawang linggo na ring estudyante ng pilot section si Jhona at Arjay, mukhang nakapapalagayan na ng loob ni Jhona ang iba, si Arjay, matagal na namang malapit sa amin tulad din ni Lara.

"Jaz, kumpleto na ba lahat ng ipapasa mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Camille. Simula noong mamatay si Rosella, kami na ang naging malapit ni Camille.

Madalas nakikita ko pa rin syang nalulungkot at naluluha sa tuwing titingnan nya ang wallpaper ng cellphone niya, picture nila ni Rosella.

Ganon nga siguro sila kalapit.

"Oo. Ikaw ba?" Ngumiti ako at ipinakita pa ang envelope na punong puno ng mga final papers at artworks na kailangang ipasa bago matapos ang second quarter.

"Antahimik ng killers no? Tapos na kaya sila? O may pinaghahandaan lang sila upang makapatay ulit." Napatingin ako kay Camille na iniikot ang tingin sa loob ng classroom, tinitingnan ang bawat isang estudyanteng nasa loob ng isinumpang classroom na ito.

"Parang isang mapayapang ulap na naghahanda sa isang napakalakas na bagyo." Bumalik ang tingin sa akin ni Camille nang sabihin ko yun.

Tama. Isang malakas na bagyo, hindi. Mali.

Delubyo ang nagbabadyang dumating bago kami pumasok sa susunod na semester.

"Hi Class." Maam Sonya. Pumasok si Maam Sonya na hindi ko mawarian ang mukha.

Bakit? Anong nangyayari?

"May problema po ba, Maam?" Tanong ni Joyce na mukha ring nag-aalala.

Umiling lang si Maam Sonya at pilit na ngumiti.

Tumingin siya kay Denia,

Na para bang sinasabing may malaking problema pero hindi pwedeng ipahalata.

Agad ding iniiwas ni Maam Sonya ang tingin niya nang mapansin na sinundan ng iba ang pag-tingin nya kay Denia.

Anong meron?

Umiling iling ito bago muling nagsalita na para bang normal na ulit siya.

"Dumaan ako para kumustahin ang mga ipapasa niyo." sabi niya

Lahat naman kami ay sumagot na ready na naming ipasa ang mga dapat ipasa.

"Kung ganon, Quencie, magpatulong ka at kolektahin mo na ang mga ipapasa niyo at ibigay sakin. Ang report card niyo ay makukuha niyo sa kalagitnaan ng inyong sembreak." Tuloy-tuloy na sabi niya.

Tulad ng nakagawian sa paaralan na ito, ipinapadala sa mga bahay ng estudyante ang mga report card.

Tatayo na sana si Quencie para kolektahin ang mga envelope namin pero pinigilan siya ni Maam Sonya.

"Mamaya mo na gawin yan Quencie pagkaalis ko." Tumango naman si Quen at bumalik na sa pagkakaupo

"Alam niyo naman na sa susunod na linggo na ang pageant, Ms. UN, hindi ba? Handa na ba kayo Irene at Rachelle?"

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon