Chapter 27 : Past, Present and Future

192 5 0
                                    

Karl's POV

"I'm sorry, Karl. Sorry." Huminga ako nang malalim at hinarap ko sya. Patuloy na umaagos ang mga luha niya tulad ng pagagos ng mga luha ko.

Trinaydor niya ako. Niloko. Ansakit na sa lahat ng tao na manloloko sakin, sya pa. Sya pa ang may pinakamabigat na kasalanan dakin. Sya pa na mahal na mahal ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko. Nanlalabo na ang mga mata ko pero kahit anong punas ko patuloy parin ito sa pagtulo. Nakakainis. Pati mga luha ko traydor na rin. Nakakainis kasi sa tuwing tumitingin ako sa mata niya parang lahat ng galit ko natatabunan ng pagmamahal pero sa tuwing maaalala ko ang ginawa niya bumabalik na naman sa alaala ko ang kababuyang ginawa niya, ginawa nila.

"Di ko sinasadya. Di namin sinasadya." Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib at pagbigat ng pakiramdam. Sa sobrang galit ko, nahawi ko nang malakas ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hindi sinasadya? Ha-ha. Ano yun? Ginagago mo ba ako? Ay. Oo nga. Ginago mo na nga ako." Tumatawa ako kahit na patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

"Sorry. Karl. Sorry." Lumuhod sya sa harapan ko at humawak sa tuhod ko pero tinabig ko lang ito. Galit at poot lang ang nararamdaman ko, sobrang pagkamuhi sakanya.

Galit sa panloloko niya sakin. Galit sa sarili ko, ano bang kulang sakin? May hindi ba ako ibinigay? Tumingin ako sa kanya, nagagalit ako sakanya dahil sa pambababoy niya sa sarili niya, sa katawan niya. Napakuyom ako ng mga kamao ko at napasuntok na lang sa dingding na nasa gilid ko.

"T*ngina lang naman kasi e! Nagpabuntis ka lang naman. Nagpabuntis ka lang naman sa kaibigan ko! At ang malala, may girlfriend din yung tao at kaklase ko pa. Hindi niyo man lang ba inisip ang mararamdaman namin sa pinaggagagawa niyo?!" Muli kong sinuntok ang dingding sa gilid ko na naging dahilan na ng pagdugo ng mga kamao ko. Naramdaman ko ang biglaang pagtayo at paglapit niya sakin.

Hinawakan niya ang kamao kong dumudugo at kumuha ng panyo sa bulsa niya. Akmang pupunasan niya ang dugo sa kamay ko pero pinigilan ko sya. "Wag mo nga akong hawakan."

"Wag mo namang saktan ang sarili mo, Karl! Patawarin mo ko Karl. Patawad." Tiningnan ko sya nang may pandidiri at may galit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya natulak ko sya nang medyo kalakasan.

"Buti na lang, hindi pa kita pinapakilala sa mga kaibigan ko lalo na sa mga magulang ko." Tumalikod na ako at nagpunas ng luha. Pero mayamaya, humarap akong muli sakanya "At alam mo? Pinagsisisihan kong nakilala pa kita. Sana di na lang kita nakilala." Tumalikod na ako at naglakad na palayo. Naririnig ko pa ang paghagulhol niya. Ang pag-iyak niya. At ansakit na makita syang umiiyak at nahihirapan. Gustong gusto kong tumakbo pabalik sa kanya, yakapin sya nang mahigpit at pinunasan ang mga luha niya pero mas nangingibabaw sa puso ko ang galit-matinding galit.

Naisip ko rin na mas kailangan ng magiging anak niya ang tatay niya at hindi ako yun.

*end of flashbacks*

Tumingin ako kay Rosella na umiiyak na rin tulad ko. Pero hindi tulad ng dati, wala ng galit sa puso ko. Siguro dahil sa lungkot kaya ako naiiyak ngayon.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. Inalalayan ko rin sa pagtayo si Rosella.

Hindi ko inaasahan na magkikita kaming dalawa dito. Hindi ko inaasahan na dadalawin niya ang dalawang taong nanakit sa kanya, hindi ko akalain na pareho pala kami ng ipinunta dito. Hindi ko din inaasahan na mailalabas ko sakanya ang matagal ko ng tinatagong mga sikreto at sakit sa puso ko.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon