Joyce's POV
"Hi Einsteins!" tuloy-tuloy na pumasok si Lara sa Classroom namin.
Naningkit ang mga mata ko. So feel na feel niya ang pagiging parte ng Einstein?Section Franklin sya, ang pinaka malapit na section sa'min.
Pero hindi ibig sabihin nun kabilang na sya samin.
Ayoko sa kanya, masyado syang feelingera. May gusto sya kay Robert Reid--isa sa mga Campus King.
Patrick el Salvador, Robert Reid at Renuel Sy ang Campus Kings. Mas sikat nga lang sa kanila si Patrick.
"Irene, nasabi niyo na ba sa pulis ang nangyari kay M---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Irene ang bibig niya.
Nanlaki ang mata ko. A-alam niya ang isa sa sikreto ng Einstein.
"Who the hell told you about that?!" Napatayo sa bigla si Darryl.
Darryl Cubillas, ang news writer at president ng Newspaper Club ng school. Kaibigan niya din si Lara. Mukhang natatakot sya sa kahahantungan ng kaibigan niya.
"Baka nasulat mo sa news paper habang natutulog, Darryl?" natatawang sabi ni Mariel.
Joke siguro yun pero sa mga oras na'to walang oras sa biro.
Mariel Casimiro, ang comedian sa Einstein.
Nakita kong nagpipigil ang iba ng tawa.
"Shut up, Mariel. So what's your decision, Queen Bee?" nakataas ang kilay na tanong sakin ni Coleen.
Nakita kong napatingin sakin ang buong klase, hinihintay ang sasabihin at desisyon ko.
"Get out of this room, Lara." cold na sabi ni Rose.
Rosella Sanchez, ang Unpredictable Princess ng Eintein. Hindi mo sya madaling mabasa, minsan kasi sobrang tahimik niya, minsan madaldal, minsan palatawa at minsan seryoso.
"B-bakit b-ba? H-hindi n-niyo pa ba n-nasasa--" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Just get the fuck out of this room!" Sigaw ko. Mukhang sa gulat niya kaya napatakbo sya sa pinto at lumabas.
Agad na tumayo si Quencie at sinara ang pinto.
"Anong balak mo Joyce? May nakaalam na ng sikreto natin." Nagaalalang tanong ni Quencie.
Huminga ako ng malalim at tiningnan si Irene.
Sigurado akong sya ang nagsabi kay Lara tungkol sa nangyari.
"Kill her, Baldemor." Deretsyong sabi ko sa kanya.
Irene Baldemor, Campus Muse. Actually, dalawa sila ni Rachelle Romero bilang Campus Muse.
"P-pero k-kaibigan ko sya" sagot niya. Napataas ang kilay ko sa sagot niya.
"Sundin mo na lang ang sinabi ni Joyce, Irene." Sabat naman ni Coleen.
Epal talaga tong babaeng to e. Hindi ko na lang sya pinansin dahil alam kong pareho kami ng prinoprotektahan---ang imahe ng klase.
"You have no choice, Baldemor. You have to kill her..." Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko.
"Or Einsteins have to kill both of you"
***
Ashley's Pov
"Or Einsteins have to kill both of you." Sabi ni Joyce
Nanlaki ang mga mata ni Irene at ng iba kong kaklase marahil sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.