Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Mahal ko talaga sya. Pero alam kong hindi lang ako ang nagmamahal sa kanya. At alam ko din na hindi ako ang mahal niya. Nagkakagulo na ang mga buhay namin. Nagsimula ito nung pumasok ako sa paaralang 'to. Nung mapunta ako sa section na to.Hindi ko naman pinangarap na tingalain na parang diyos. Na parang sobrang talino namin kaysa sa kanila. Ayokong itatak nila sa isipan nila na napaka espesyal namin.
Pero hindi ito ang nararamdaman ng iba. Mga kaklase kong sabik sa papuri't pagkilala. Mga kaklase kong walang ibang inisip kundi ang mas maging mataas pa kaysa sa iba.
Kitang kita ko ang mga inggit sa mata ng bawat isa. Inggit sa isa't-isa. Inggit na hindi ko alam kung saan nagmula pero hindi ko namamalayan, ang mga matang yun, na puno ng inggit at kasakiman ay nagmula sa mga kagagawan ko. Nagmula sa pagiging iba at sa pagpasok ko sa mundo nila.
Pero ngayon, ang mga mata ko ay kagaya na ng kanila. Puno na ng inggit at kasakiman.
Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Mahal ko talaga sya. Mahal ko na talaga ang katanyagang nararanasan ko. Mahal ko na ang pagiging sikat at mataas. Pero alam kong hindi lang ako ang nagmamahal sa kanya. At alam ko din na hindi ako ang mahal niya. Na isa samin ay hindi papayag na may kapantay, alam kong mayroong isang tao sa apat na sulok na kwartong to ang gusto na mas maging mataas. Na mas tanyag.Nagkakagulo na ang mga buhay namin. Nagsimula ito nung pumasok ako sa paaralang 'to. Nung mapunta ako sa section na to.
---
"Kitang kita ko ang mga inggit at galit sa mga estudyante ko ngayon. Ang mata nila ay walang pinagkaiba sa mga mata ng mga kaklase ko noon. Ang mga mata ng inggit, kasakiman at matinding galit"
"Kung gusto mong patawarin kita. Hayaan mo kami sa mga ginagawa namin. At kung malaman ko na may pinagsabihan ka o nakialam ka. Walang alinlangang kukunin ko ang buhay mo." Ngumiti sya sakin. Ngiti na parang ngayon ko lang nasilayan pero agad din itong nawala at isang malademonyong ngiti ang pumalit dito.
"Kahit na ikaw pa ang nagbigay-buhay sakin." Dugtong pa niya.
Kung sana nagawan ko na ng paraan una pa lang. Kung sana napapayag ko lang ang mga may awtoridad sa paaralan na to na wag na ibalik ang Pilot Section, ang Royal Rule at mga titles.Kung sana nalaman ko lang na nandito yung anak ni Jason at Alyana
Kung sana minahal ko lang ang anak namin ni James.
Kung sana hindi ko sila pinagpalit.
Isang masalimuot na ala-ala ang nangyari sa batch namin noon pero mas malala ito. Mas mga naging demonyo ang mga estudyante sa Pilot's Section na to.
Hindi ko masabi sa mga estudyante ko ngayon kung sino ang pumapatay sa mga kaklase nila.
Kitang kita ko yung paghihirap nila pero wala akong magawa. Wala akong magawa dahil kailangan ko pang mabuhay.
--Lailani Dela Croix-----
***********************************
12 years ago...Hindi ko na alam pero puno na ng galit ang isip at puso ko. Puno ng hinagpis at selos.
Walang alinlangan kong kinuha ang baril sa drawer ko at pumunta sa mga hayop na yun.
Sa bahay ng dati kong mga kaibigan.
Hindi naman ako nahirapan na makapasok sa loob at dumiretsyo sa kwarto nila.
Kitang-kita ko na masaya silang tatlo na nakahiga sa iisang kama.
Silang dalawa at nasa gitna nila ang kanilang anak.
Tinutok ko sa taas ang baril na hawak ko at nagpaputok na naging dahilan ng paggising nilang tatlo.
Agad na inilayo ni Alyana ang anak nila at pumunta sa gilid ng kwarto.
"Lailani, b-bitawan m-mo y-yang baril mo, parang awa mo na." pinapakalma niya ako pero puno na ng galit ang puso ko.
Sinaktan niya ako k-kung di niya ako iniwan hindi sana ako mapipilitan pakasalan si James na hindi ko naman mahal.
"I-iniwan mo ko, i-iniwan mo kami ng anak mo d-dahil ano?! Dahil may babae ka at may anak ka rin sa kanya?!" Lalong nanginig ang mga kamay ko sa galit na nakatutok sa babaeng yakap yakap ang anak nilang lalaki.
"Hindi ko naman sinasadya na mabuntis ka nung araw na yun. Lasing lang ako. P-patawarin mo ko. Hindi ko alam na may anak tayo." Tuloy tuloy na tumulo ang mga luha ko. Alam ko naman yun e---Na dala lang ng kalasingan ang nangyari nung gabing yun.
A-akala ko mahal niya ako pero kaibigan parin pala ang tingin niya sakin.
Sampung taong gulang na ang batang kahit kelan hindi ko tinuring na anak dahil sa iniwan ako ng ama niya---ang lalaking nasa harap ko at may sarili na ring pamilya.
"M-mahal mo b-ba siya?" tanong ko. At tinutok ang baril sa babaeng alam ko namang mahal niya nga.
Dahang dahang tumango si Jason at may pagmamakaawa sa mga mata niya.
"Mahal na mahal ko si Alyana." Nakita kong ngumiti pa sya kay Alyana ng banggitin nito ang pangalan niya at parang sinasabi na 'magiging ok din ang lahat.'
Nakaramdam ako ng matinding selos at galit.
Wala ba talaga syang pagmamahal sakin o kahit sa anak namin?
"E-etong batang to, mahal mo rin ba to?" Tanong ko ulit. At tinutok ang baril sa batang lalaki na anak nila.
Kahit kelan hindi ko pinakitang mahal ko ang anak ko kay Jason dahil alam kong hindi rin sya mamahalin ng totoo niyang ama.
Pinangalan ang anak ko kay James at ginamit ang apelido nito pero ako? Kahit kasal ako sa kanya kahit kelan hindi ko gagamitin ang apelido niya.
"Mahal na mahal ko ang anak namin ni Alyana. Mahal na mahal ko s----Waaaag!" Hindi ko na sya pinatapos dahil pinaputukan ko ang anak niya pero nagulat ako ng harangan siya ni Alyana at sa kanya tumama ang bala.
"M-mama!" tawag ng bata.
Umiyak sya ng umiyak habang patuloy na tinatawag ang mama niya.Kahit kailan, hinding hindi ko rin ipaparamdam sa anak namin ang pagmamahal ko dahil hindi rin ako mahal ng ama niya.
Lalapitan sana sya ni Jason pero agad kong binaril si Jason sa dibdib.
Nagulat ako dahil biglang tumigil ang pagiyak ng bata. Mukhang nagulat rin sya.
Napabalikwas ako ng nilipat niya ang mga tingin niya sakin at nakita ko ang galit sa mga mata niya at kasabay nun, naramdaman ko ang malagkit na likido mula kay Jason---ang mga dugo niya na umabot na sa kanang paa ko.
Doon pa lang ako natauhan at nabitawan ang baril na hawak ko.
Napatangin ako sa batang wala sa sariling nakatulala.
Ang anak ko. Mahal siya ni Jason. Kaya sya din ang mahal ko.
Siya ang anak ko.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.