Ashley's POV
Isang malaking eksena ang nangyari kahapon.
Hindi na rin pumasok buong araw si Karl at Rosella samantalang si Alex ay bumalik noong hapon.
Ngayon, wala na naman si Rosella at Karl.
Nasaan na naman kaya ang dalawang yun?
Maliban kay Joyce, Coleen, Allyson at Jazcha, nandito naman kaming lahat.
Nandito kami sa classroom at wala namang masyadong ginagawa.
Si Rachelle at Irene rin pala ay nasa practice ng kung ano para sa contest.
Nakakabagot.
Bakit ba pumasok pa ako?
"Musta, Ashley?" Balak ko na sanang matulog na lang kaso narinig ko namang may nagsalita kaya tiningnan ko kung sino.
Si Jeizzelle, nakasandal ito sa upuan at naka de-kwatro pa.
Mukhang bumalik na nga siya sa dati.
"Ayos naman." Sagot ko.
Hindi ko na sana siya papansinin kaso naguluhan ako sa mga sinabi niya bago sya tumayo at tumalikod sa'kin.
"Mukhang hindi pa nila sinasabi sayo."
Kahit naguguluhan ay hindi ko na lang siya pinansin.
Kala ko naman bumalik na sa dati, mukhang may sira pa rin.
"Patrick, ayusin natin to please. Kausapin mo ko!" sigaw ni Kristal kaya naagaw nito ang atensyon ko at ng buong klase.
Lahat napatingin sa kanila na nasa likod ng classroom.
Tumingin si Patrick samin sandali pero agad din naman niyang ibinalik ang tingin kay Kristal.
"Layuan mo na ako ayaw na kitang makausap o kahit nga lang makita e." Sabi niya tapos tumalikod na papuntang pinto palabas ng classroom.
Nakakailang hakbang palang sya ay agad din naman syang napahinto dahil sa sigaw ni Kristal.
"HINDI! SUBUKAN MONG HUMAKBANG PALAYO SAKIN AT HINDI AKO MAGAATUBILING KITILIN ANG BUHAY KO!" Sigaw niya habang may hawak na cutter at nakatutok ito sa leeg niya.
Isa na namang drama. Panibago na namang eksena.
Napairap ako.
Sumandal ako sa upuan ko habang nakatingin sa kanila.
Sinusubukan naman ng iba na pakalmahin si Kristal.
"Sige! Subukan niyong makialam at tutuluyan ko talagang saktan ang sarili ko." Sigaw niya nang magtangkang lumapit sa kanya si Ryan at mukhang gustong kunin ang hawak niyang cutter.
"Magpapakamatay ka dahil lang sa lalaki? Hindi worth it yan." Yun lang ang sinabi ni Camille tapos tumayo na at lumabas ng classroom.
Gusto ko na rin lumabas ng classroom kaso hindi ko naman alam kung san ako pupunta.
"Buong buhay ko gusto na kita Patrick. Bata pa lang tayo, alam mo yun. Nung nalaman ko na parehong nakatanggap ang mga magulang natin ng imbitasyon mula rito sa school para ipasok tayo sa pilot section hindi agad ako nag-alinlangan na pilitin si mama na pumayag kung papayag rin ang mommy mo na ipasok ka rito." Tuloy tuloy na sabi niya.
Si Patrick naman, nakatingin lang sa kanya. Tingin na may halong panghuhusga.
"Tapos, tapos naging kayo ni Andrea, sinubukan kong maging masaya para sayo pero ang hirap. Ngayong kahit wala na sya, hindi mo pa rin ako kayang gustuhin? Mahalin?" dugtong pa niya.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.