Ashley's POV
Bumalik na pala si Ma'am Lailani Dela Croix. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong tanungin kung sino ba talaga siya.
Kanina pa ako paikot-ikot sa buong school pero hindi ko parin siya makita kaya napagdesisyunan ko nang bumalik ng classroom.
"Bat ka nga pala late, bebe Ash?" Pagkapasok ko pa lang sinalubong na ako ni Robert na mukhang iniintay ako kanina pa. Hindi ba to naglunch?
Hindi ako sumagot.
"Ash, bat may gasgas ka sa braso?" hinawakan niya ang braso ko at tumingin sakin nang nagaalala.
"Tss."
Tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan. Tss.
Umupo na lang ako sa upuan ko at tumingin nang malayo sa labas.
Ito na ang ikatlong araw na nawawala sila Glenn, Quencie at Alex.
Actually, wala naman akong pakialam sa kanila kaso kagabi may nagpadala sakin ng sulat at kanina may nagtangkang pumatay sakin.
Flashback
Kauuwi ko lang galing school at dumiretsyo na ako agad sa kwarto ko.
Nagulat na lang ako na madatnan kong bukas ang bintana.
Sino ang nagbukas neto? Imposibleng isa sa mga kasama ko sa bahay dahil alam nila kung paano ako magalit sa kung sino mang pumasok dito at isa pa, wala silang spare key ng kwarto ko. Ako lang ang merong susi ng sarili kong kwarto.
Napakunot ang noo ko nang may mapansin akong sobre sa study table ko. Lalo pang kumunot ang noo ko nang makita kong dugo ang pinansulat sa unahan ng sobre.
'Beware' yan yung nakasulat dun sa unahan ng sobre. Binuksan ko ang sobre. Balak ko sana kilalanin yung handwriting pero printed ang mga nakasulat.
'Beware. Beware of the people around you. Don't trust anyone.
Minsan, ang inaakala mong tumutulong, yun talaga ang gumagawa ng gulo.
Joyce Castañeda and Mrs. Lailani Dela Croix, Get to know them better.PS. I know your secret, Ashley. I knew what happened 3 years ago.'
And with that, nabitawan ko yung sulat. Napaatras din ako. A-akala ko, ako lang ang nakakaalam nun. Dalawa lang kaming nakakaalam ng sikreto ko. Pero patay na yung isa pang nakakaalam. Sigurado akong namatay na sya.
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil dun.
Kinabukasan, plano ko sana pumasok nang maaga. Kaso naalala ko, naalala kong sinabi dun sa sulat na dapat mas kilalanin ko daw si Joyce at Ma'am Dela Croix. Bakit naman kaya? Tss.
Kaya imbis na pumasok nang maaga, dumiretsyo na lang akong bahay ni Ma'am Dela Croix.
Pinagbuksan ako ng maid ata nila.
"Ah. Sorry po. Pero ilang araw nang hindi umuuwi si Ma'am Lailani." Naningkit ang mata ko. Ilang araw na din siyang hindi pumapasok. Akala ko nandito lang siya. Wala rin pala.
Inilibot ko ang paningin ko, anlaki-laki ng bahay na to pero walang katao-tao maliban sa maid na kausap ko ngayon.
"Wala po bang ibang tao dito? Diba, Mrs. na po siya? Nasan po yung asawa niya?" Nag-iwas lang ng tingin yung maid at yumuko.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Misteri / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.