Rosella's POV
"Rose, Rose okay ka lang?" Nagising ako nang may mahinang tumatapik sa braso ko at tumatawag sakin.
Karl.
Napahawak ako sa ulo ko.
Nasan ako, nasan kami?
"Denia, pwede bang palit tayo ng upuan?" Sabi ni Karl.
Denia?
Iniikot ko ang paningin ko, nasa loob kami ng isang bus at umaandar ito.
Nasa tabi ko si Denia na malapit sa bintana at nakaasian squat naman si Karl sa tabi ko habang nakakapit sa upuan ko.
Tumango si Denia at tumayo. Lumipat siya ng upuan sa likod, ako na ngayon ang malapit sa bintana at si Karl ang nasa may aisle.
"Okay ka lang ba?" Tumango ako.
"Medyo masakit lang ulo ko. Anong nangyari? Nasan tayo?"
"Nasa auditorium tayo kanina tapos biglang nagkaroon ng pagsabog at usok tapos nawalan tayo ng malay at paggising ko nandito na tayo sa bus."
Tama. Naalala ko na, nakita ko pang umaapoy ang stage bago ako mawalan ng malay.
"Si Camille? Nasan si Camille? Pumunta sya sa backstage hindi ba? Sila Rachelle at Irene? Si Joyce?" Sunod sunod na tanong ko.
"Nandito ako." Biglang sabi ni Joyce habang naglalakad papunta sa harapan ng bus, nakatayo sya at humawak sa isang pole doon upang hindi matumba habang gumagalaw ang bus.
Anong nangyayare?
"Lahat ba kayo gising na?" Halos pasigaw nyang sabi.
"Ikaw ba may kagagawan nito Joyce?" May halong galit sa boses ni Dan.
"Pwede manahimik ka Dan, paano ko magagawa sa inyo to?" Sagot ni Joyce.
"Hindi ko alam kung san tayo pupunta, hindi ko rin matanong tong pesteng driver na to kasi wala syang dila. Literal." Sa boses ni Joyce alam kong hindi nga siya ang may plano nito?
Tumingin ako kay Karl.
"Oo, kaming dalawa ni Joyce ang unang nagising kaya tinanong agad namin ang driver pero nilabas niya ang dila niya at putol nga ito. Sinadyang putulin." Sabi niya na para bang alam na ang itatanong ko.
"Wala akong maisip na gagawa sa tin nito kundi ang mga killer lang." Sabi ni Joyce.
Napatingin ako sa paligid ko at wala kaming kahit anong dala.
"Kinuha nila ang cellphone at mga bag natin peste. Teka," sabi ni Joyce pero agad ring napahinto at tumingin isa isa samin.
"Asan si Alex, Quencie, Irene at Rachelle?" Sabi niya kaya naman napalingon rin ako sa paligid.
Asan nga sila?
Si Irene at Rachelle nasa backstage sila nung nagkaroon ng pagsabog.
Si Camille din pero agad akong nakahinga nang malalim nang makita ko sya na nakaupo sa unahan.
"Si Irene." Biglang nagsalita si Camille. "Sigurado akong kasama si Irene sa killer. Bago ako mawalan ng malay nakita ko syang kinakausap ang mga lalaking nagbuhat satin papunta rito."
Si Irene? Kasama si Irene sa killer?
Bakit? Ngayong taon lang namin siya naging kaklase bakit niya to ginagawa?
Magsasalita pa sana si Joyce nang bigla kaming nakarinig ng nakaririnding tunog, yung tunog na maririnig mo sa tuwing nagloloko ang mic o ang isang speaker.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mistero / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.