Rosella's POV
"Oh my gosh. Nabalitaan niyo na ba yung bagong transfer na nasa Einstein? "
"Oo naman. Grabe! Napakaswerte naman ng mga babae sa Einstein."
"Ang gwapoooo sobraaa. Anghel ang mukha. Sabagay, nasa tamang section naman siya. Lahat naman ng nasa Einstein, mga anghel e. Mukha lang masusungit pero mababait naman."
Pagpasok ko pa lang ng gate sa school namin yan na agad ang naririnig ko.
Hayy. Yung bagong transfer. Alex Willford.
Tama naman sila. Gwapo nga, mas gwapo pa ata sya sa Campus Kings namin.
Pero may mali sa kanya e. Alam kong meron pero ano?
"Rose!" Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Angelo kasama niya si Rhod.
"Nakita mo ba si Joyce?" Tanong niya sakin.
Angelo Tiongson, boyfriend ni Joyce. Section Franklin, kaklase rin niya si Lara pero hindi niya alam ang nangyari kay Lara.
Dahil tulad ng napagusapan, walang pagsasabihan ang Einsteins.
Ang tanging nakakaalam ng pagkamatay ni Lara maliban sa Einsteins ay si Ma'am Dela Croix.Ang alam ng buong section nila Lara ay nadrop out ito.
"Ahm. Hindi e. Baka nasa room o wala pa?" Sagot ko naman.
"Si Camille ba? Nasan?" Napakunot ang noo ko ng magsalita si Rhod. At talagang hinahanap niya si Camille na bestfriend ko.
"Naku, tigilan mo ang bestfriend ko Rhodel Tolentino." Masama na ang tingin ko sa kanya.
Rhodel Tolentino, napakababaero nyan. Sobra! Rhod madalas ang tawag namin sa kanya.
"Tara na nga Rhod, wala pa si bahbah e." Tatalikod na sana sila Angelo nang biglang dumating si Joyce.
"Hi Bah! Hi Rhod!" Bati ni Joyce sa kanila at agad na pinulupot ni Joyce ang braso niya sa braso ni Angelo.
Bigla namang pagdating ni Ella at Coleen.
"Tss. Landi ah! Di na nahiya. PDA! Anyway, Sa Science Laboratory daw tayo." Huh? Pero AP pa lang ah?
"Bitter!" Sagot ni Joyce pero bago pa sumagot si Coleen ay nagtanong na ako.
"Pero AP pa lang hindi ba?"
"Hiniram ni Ma'am Salome yung time ni Ma'am Dela Croix." Sagot ni Ella.
"As usual." Dugtong naman ni Coleen. Pagtapos nun iniwan na nila kami.
Palagi na lang hinihiram ni Ma'am Salome yung time ni Ma'am Dela Croix. Mahal na mahal niya talaga ang Einsteins.
"Ah sige. Punta na akong Science Lab." Paalam ko dun sa tatlong naiwan.
"Waaah. Bahbah bili muna tayo. Nagugutom ako e." Napangiti na lang ako nang marinig ko si Joyce na sumisigaw o nagmamaktol.
Hindi kasi masungit o mainit ang ulo niya pag nasa paligid si Angelo.
Pagdating ko sa Sci Lab, nakita kong pinaliligiran nila si Alex.
"Anong ginagawa nila?" Tanong ko kay Glenn.
Glenn Gothic, best friend sya ni Jhon Paul. Palaban tong tao na to pero madalas nagiging pessimist.
"Pinapanood nila yung bagong salta na mag dissect ng palaka." Dissect?
Di ako marunong nun e. Gagawin din kaya namin yun?
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.