Rosella's POV
Ligtas kami, ako, si Karl, si Ashley, Quencie, Camille at yung Rey John.
Ilang sandali matapos namin tumawag ng tulong, dumating ang mga pulis at ambulansya.
Pilit sanang pagtatakpan ng mga magulang namin ang mga nangyari pero masyado itong malaki para itago.
Naging isang malaking balita ang nangyari sa'min na kahit anong pagbabayad sa media, may mga balita pa ring lumalabas tungkol dito.
Naungkat din yung kwento noon, nung panahon nila Ma'am Lailani. Sa batch nila, lima lang silang natira. Inakala noon ng lahat na serial killer ang pumapatay pero ngayong nangyari ulit, sa ibang pagkakataon at mas malala, nais din nilang imbistagahan ang nangyari kasabay ng nangyari sa amin.
Alam ko na rin na pinili kaming mga estudyante ng pilot section dahil ang mga magulang namin ay konektado sa nangyari noon, sa batch nila Ma'am Lai.
Kaming anim na nakaligtas, nanatili kami sa ospital.
Pabalik-balik ang mga pulis dito at humihingi ng mga pahayag. Lahat naman ng impormasyon na kailangan nila ay binibigay namin.
Nasabi rin sa amin na natupok sa isang sunog ang mansyon kaya halos wala nang bangkay na nasa loob ang nakilala at maayos na naipalibing. Bangkay na lang ni Dan, Alysson at Ryan ang mga nakilala at nailibing nang maayos.
Hindi ko alam kung bakit wala si Ella sa mga natagpuang bangkay sa bakuran ng mansyon gayong umalis kami nang hindi tinatanggal ang mga katawan nila ni Dan sa iisang palaso na nakasaksak sa kanila.
Ipinasara na rin pala ang St. Augustus, buhay si Mr. Villarante pero napatunayan na may sakit siya sa pag-iisip kaya ipinasok siya sa isang mental hospital. Hindi rin siya nakakausap nang matino dahil patuloy niya lang sinasabi na dapat maubos kami para matigil na ang sumpa.
Si Rey John at Camille ang mga unang nakalabas sa ospital. Dalawang araw lang ata silang nanatili rito.
Masyadong malakas ang loob ng dalawang 'yon kaya kahit nasugatan si Rey John ay agad ding nakalabas.
Sa ikatlong araw naman, na-discharge si Karl. Siya rin ang madalas na nagbabantay sa akin ngayon.
"Bukas, pwede ka na rin daw madischarge."
Inabutan ako ng mansanas ni Karl.
Tinanggap ko naman 'yon saka nagtanong, "gising na ba si Ashley?"
Umiling 'to, "hindi pa." Simula nang madala kami sa ospital, hindi pa gumigising si Ashley. May tama rin siya ulo kaya nagkatrauma raw at kakailanganin pang magpahinga, grabe din ang dehydration ng katawan niya.
Si Quencie, gising na pero palagi pa ring umiiyak. Hindi niya pa rin matanggap na wala na si Alex, ay hindi, si Justine.
Sa pagkakataong ito, totoong namatay na si Justine.
Ilang oras ang lumipas at dumating si Rey John at Camille.
Umuwi muna si Karl para makapagpalit at para na rin bumili ng pagkain namin.
"Bakit parang lagi kayong magkasama ha?" Pang aasar ko sa dalawa.
Inirapan ako ni Camille kaya mas lalo akong natawa.
"Type ata ako ng kaibigan mo," nakangising sabi naman ni Rey John.
"Asa ka!"
Natigil ang pagtatawanan namin nang pumasok si Karl at sinabing,
"Gising na si Ash."
Pumunta kami agad sa kwarto ni Ashley, palabas na ang nurse niya at nadatnan na nandoon na si Quencie na nakaupo sa wheelchair.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.