Chapter 33: Killers

29 2 0
                                    

Joyce's POV

Mahal, kita tayo. Sa bahay niyo na lang. Ikaw lang naman mag-isa diba?

Sent.

Nagreply sya at sinabing sya nga lang daw mag-isa at pwede akong pumunta.

Napangiti ako nang mapait. Sorry bam. Pero kailangan mo nang mawala.

Kinuha ko yung kutsilyo na binili ko pa sa France noon.

Souvenir lang sana, di ko akalain na magagamit ko to.

Kahit papano mahal ko parin naman sya kaya dapat special weapon yung gagamitin ko.

Pagdating ko sa bahay nila, agad akong pumasok sa loob.

"Oh? Dumating ka na pala? Anong gusto mong kainin? Upo ka muna dyan at ipaghahanda kita." Ngumiti sya at akma nang pupunta sa kusina pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"May gusto akong puntahan. Samahan mo muna ako."

May pagaalinlangan pa yung mga tingin niya bago sya tumango at sumunod na sakin papuntang kotse.

Dinala ko sya sa paboritong lugar namin. Dati tong park pero ngayon para na lang isang abandonadong lupa.

Sira sira na yung swing, matataas na din ang damo at nilulumot na yung slides at iba pang laruan.

"Bakit mo ko dinala dito?" Takang tanong niya sakin.

Hindi na din kasi kami pumupunta dito.

"Gusto ko lang makita mo yung lugar kung saan tayo unang nagkakilala at saan tayo madalas magkita noon."

"Bakit naman?" Ngumiti lang ako.

Kinuha yung braso niya at hinawakan yung peklat dito.

I am a killer

"Ayoko na." Nagulat sya sa sinabi ko at agad ba binawi yung braso niya pero mahigpit ko tong hinawakan.

"A-anong ibig mong sabihin, Joyce?"

Napangisi ako, "Alam kong may babae ka."

Natigilan sya sa sinabi ko.

Magsasalita pa sana sya pero agad kong sinaksak yung braso niya.

Hiniwa hiwa ito at binura yung peklat niya gamit sa paggawa ng bagong sugat.

Sinubukan niya pang tumakbo pero masyado na syang mahina kaya agad ko syang nasaksak muli.

"Mahal kita pero kailangan mo nang mamatay." Tumawa ako. Tawang ngayon ko lang ata nagawa.

Sinaksak ko sya. Isa, dalawa, tatlo...hindi mabilang na saksak.

Tanging sigaw at pagmamakaawa niya lang ang tanging naririnig ko.

"Mamatay ka na. Mamatay ka na!" Napatigil lang ako nang makita kong hindi na sya gumagalaw.

Lalakad na sana ako palayo pero narinig ko pa syang nagsalita.

"J-j-joyce...." lumingon ako, bumalik at lumuhod. Handa na sanang muli syang saksakin pero natigilan ako sa sinabi niya.

"I-ikaw lang naman. Maniwala ka. Mahal na mahal kita." Pilit niya pang inaabot yung mukha ko pero agad ding bumagsak yung kamay niya.

Sorry, Angelo.

Pero mas mahal ko ang buong einstein kaysa sayo.

Binitawan ko yung kutsilyong hawak ko at pinunas ang mga kamay ko sa tshirt kong punong puno na rin naman ng dugo.

IX-Einstein : The Pilot SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon