Joyce's POV
Grade 8-Jose Rizal, the pilot section.
Bakasyon na. Almost. Ilang weeks na lang magsusummer break na kaya naman nagdecide ako na magkaroon kami ng camping sa isa sa mga islang pagmamay-ari ng pamilya ko.
Pumayag naman ang parents ko, bakit naman hindi? Ito na nga lang ang pwede nilang gawin bilang magulang ko, ang ibigay ang lahat ng gusto ko.
Tiningnan ko ang mga kaklase kong nagtatawanan, sobrang saya nila. Masaya rin ako basta kasama ko sila, pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa.
Nasa may barko kami, a ferry boat, patawid sa islang yun, isla ng mga Castañeda. Hindi naman kalakihan ng ferry boat na ito, sapat lang para itawid kami.
Nagdecide kaming magstay dito ng buong weekends. Friday ngayon at ang balik namin ay sa Linggo.
"Wag, ano ba kayo. Ako na naman trip niyo. Ibaba niyo na yang life vest ko!" napatingin ako sa nagsalita.
Justine. Justine Panganiban. Siya ang madalas pagtripan ng three kings kuno ng pilot section.
Hawak hawak ngayon ni Patrick ang life vest na mukhang kay Justine at ipinasa nito kay Robert na ipinasa naman kay Renuel.
Pinagpasa-pasahan naman nila iyon habang hinahabol at pilit binabawi ni Justine.
"Ibalik niyo na yan kay Justine kung hindi tatamaan kayo sakin," banta ni Quencie.
"Bakit ba may dala kang gan'to, Justine? Hindi ka ba marunong lumangoy ha? Saka sandali lang naman tayo. Tingnan mo! Tanaw ko na ang isla!" Sabi ni Patrick habang nakaturo pa sa islang natatanaw na nga namin.
Malapit na kami.
"Joyce" Nawala ang atensyon ko sa apat nang tawagin ako ni Rosella. Nilingon ko sya.
"Sa tingin mo, ayos lang bang wala tayong kasamang matanda habang nasa isla?" Tanong niya sakin. Halata sa mukha niya ang pag-aalala.
"Oo naman tingnan mo sila, mukhang nageenjoy naman ang lahat lalo na dahil wala tayong mga bantay" sabi ko sabay turo sa VAR, Via, Andrea at Rhona. Masaya silang nagtatawanan habang nakaupo at hawak ang mapa ng isla, "saka nasa rest house naman maiiwan yung driver ng ferry boat at yung isa naming katiwala"
Hindi naman na niya ako tinanong matapos kong sabihin 'yon pero balisa pa rin siya.
Bawat isa ay binigyan ko ng kopya para mapamilyar sa kanila ang isla namin.
Sunod ko namang ibinaling ang tingin ko sa heartthrobs.
Pinipilit nila akong ipuslit ko sila sa isang club dahil mas gusto raw nilang mambabae kaysa mag-outing.
Hindi naman pwede. Halatang halata sa mga itsura namin na naglalaro sa katorse o kinse ang mga edad namin.
"Mag enjoy ka na lang, Rose. Please." Sabi ko at tumayo na.
Nandito na kami.
Bago mag-gabi ay hinanda na namin ang mga tents na dala namin. Meron kaming rest house sa islang ito pero hindi ito camping kung hindi kami sa tent matutulog kaya pinagdala ko sila.
Sampung tent ata ang binubuo namin ngayon para maging tulugan.
Naging maayos naman ang unang gabi namin. Nag-ihaw ang iba at ang iba naman ay nagluto, mayroon ding iba na may sariling mundo, tulad nito ni Ashley na nagbabasa sa tabing dagat.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.