Ashley's POV
Nandito kami ngayon sa living area ng bahay. Nakapalibot kami sa buong parte ng bahay na ito kasama si Dabria at ang mga kaibigan niya.
"Paano kayo napunta rito? Alam niyo bang napakadelikado sa lugar na 'to!" Sigaw ni Darryl sa kapatid niya.
Hindi nababakas sa mukha ni Dabria ang takot. Wala pa rin siyang pinagbago.
"Nung nagkaroon ng malaking apoy at mga usok sa auditorium, hinanap agad ng mata ko ang seksyon niyo, kuya. Nakita kong isa-isa kayong binuhat ng mga lalaking naka-itim at dinala kayo palabas pero sa main entrance dumaan kahit lahat ng tao sa loob ay pinapalabas sa likod kaya tumakbo ako pasunod pero bigla na lang may pumalo sa ulo ko," seryosong sabi niya.
"Pag-gising ko nasa loob na kami ng van kasama si Marynhel at Lorily." dugtong niya.
Tumingin ako sa dalawang kasama niyang hindi mapakali at mukhang takot na takot.
"Why am I even here? Sinundan ko lang si Dabria pero napadaan ako sa lugar kung nasan kayo nakaupo at nakaamoy ako ng kakaibang usok. Sana hindi na lang ako nakialam" naiiyak na sabi ni Lorily.
"Kailangan natin humanap ng paraan para makalabas dito," mariin na sinabi ni Rosella.
Hindi mababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha niya ngayon, mukhang iniisip niya pa rin yung sinabi ni Jeizzelle bago ito mamatay.
"I ag---" sasagot sana si Dan nang bigla kaming nakarinig ng kakaibang tunog. Tulad nung tunog na narinig namin sa bus na nanggaling sa tv.
Ansakit sa tenga.
"Ehem. Ehem. Hello. Hello?"
Halos nagulat lahat nang biglang may magsalita. Agad napatayo si Karl at ang iba para hanapin kung saan nanggaling yung tunog.
"Ayon!" Turo ni Ryan sa speaker na nakadikit sa pader.
"Meron din dito." Sabi naman ni Patrick.
Apat na speaker ang nandito sa living area pero mukhang din sa ibang parte ng bahay.
"Hindi ko na mahintay ang result ng pageant dahil alam naman natin na sa pilot section manggagaling ang mananalo. Kaya naman magsecelebrate na tayo ngayon."
Babae. Babae ang nagsasalita.
Tatakbo sana si Karl paakyat sa second floor ng bahay nang bigla siyang hawakan ni Rosella sa braso.
"Sa'n ka pupunta?"
"Hahanapin ko yung control room panigurado nandun sa taas yun at kung sino man ang nagsasalita ngayon d'yan ay pinaglalaruan tayo, at isa sa mga killer."
Tatanggalin na sana ni Karl ang pagkakahawak ni Rosella nang biglang magsalita si Joyce.
"Walang aalis. Pakinggan muna natin ang hayop na yan."
"Si Irene." Biglang sabi ni Camille. "Boses ni Irene yun. Sinasabi ko na nga ba. Hayop na babaeng yun!"
Nakarinig kami ng tawa mula sa mga speaker. Naririnig ba niya kami?
"Gusto pa sana namin pahirapan kayo at isa-isang patayin kaso nauubusan kami ng oras dahil sa mga pakialamera at hindi mamatay- matay na tawagin nating sa pangalang Rose."
Hindi na si Irene yung nagsalita. Ibang boses pero babae pa rin.
Ella. Sigurado akong si Ella yun.
Napatingin ako kay Rosella na nakakuyom na ang mga kamay at parang anumang oras ay sasabog siya sa galit.
"Ngayon ang huling araw niyo. Walang mabubuhay sainyo. Sisiguraduhin ko, hindi, namin pala. Sisiguraduhin namin na walang makakalabas nang buhay."
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.