Rosella's POV
Hindi kami gumagalaw o lumilingon man lang ni Dan. Natatakot kami na baka isang maling galaw lang ang maging dahilan ng pagkamatay namin ngayong gabi.
Sa boses ni Ella, alam kong ilang hakbang ang layo niya sa amin. Nasa unahan ko si Dan at nasa likod ko lang si Ella.
"Akala niyo ba makakatakas kayo sa'kin, sa amin?" bakas ang galit sa boses ni Ella at sigurado ako na ano mang oras ay handa siyang patayin kami.
Haharap na sana si Dan kay Ella pero naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa amin kasabay ng pagbabanta, "walang haharap kundi isasaksak ko 'tong hawak ko sa babaeng 'yan"
"Ella, tama na. Itigil mo na 'to" lakas-loob na sabi ni Dan.
"Manahimik ka! Pinatay ng babaeng 'yan ang kapatid at magiging pamangkin ko. Pasalamat nga siya at inuna ko na si Rhona pero kung tutuusin, mas malaki ang kasalanan ni Rosella kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad."
Lorraine.
Pinagsisisihan ko na lahat, araw-araw akong nagsisisi at patuloy na hihingi ng kapatawaran sa kanya.
"Alam mo bang kahit hindi kami alukin ni Denia na sumama sa grupo niya ay gagawa pa rin ako ng paraan para mapatay kayo ni Karl."
Naramdaman kong habang patuloy sa pagkekwento si Ella at paglalabas ng galit ay onti-onting paglapit ni Dan sa'kin.
Nagulat na lang kami nang makarinig kami ng mga putok ng mga baril galing sa loob.
Sila Karl. Sana ayos lang sila.
Dahil nawala sa amin ang atensyon ni Ella, kinuha ni Dan ang pagkakataon at hinila ako patakbo. Hawak-hawak niya ang braso ko habang tumatakbo kami sa kung saan, hinahayaan ko na lang kung saan ako dalhin ni Dan.
Alam kong hinahabol kami ni Ella dahil naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Gusto ko na matapos ang gabing ito. Sana matapos na.
Hindi ko na napansin ang mga dinadaanan namin kaya naman bigla na lang akong natalisod at napabitaw kay Dan. Sa sobrang sakit ng paa ko, nahirapan akong ibalik ang balanse ko at tumayo ulit.
"Rose ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba tumakbo" tanong sa akin ni Dan habang inaalalayan akong tumayo.
"'Wag na kayong tumakbo dahil sisiguraduhin kong ako ang papatay sa inyo."
Nilingon ko ang nagsalitang si Ella. Tumigil na siysa sa pagtakbo at naglalakad na lang palapit sa amin. May hawak siyang isang palaso. Napakatulis at haba ng palasong ito, hindi maiikakailang galing ito sa isang napakagandang pana.
Alam kong balak na tumakbo ulit ni Dan pero hindi ako makakilos lalo na nang makita kong tumakbo na si Ella palapit sa amin, nakataas ang isang kamay na may hawak na palaso.
Pumikit ako at hinihintay na lang na maramdaman ang sakit pero isang sigaw ang narinig ko, at paghawak sa magkabilang balikat ang naramdaman ko.
"ROSE!!"
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita si Dan na nasa harapan ko, "ayos ka lang ba?"
Siraulo ikaw ang tumanggap ng saksak ng palaso tapos ako ang tinatanong mo.
Ngumiti si Dan at kahit hindi ako sumagot sa tanong niya ay sinabi pa rin niyang, "masaya akong ayos ka, masaya akong buhay ka."
Hindi rin nagtagal ang ngiting 'yon dahil napalitan ng sakit nang hugutin ni Ella ang sinaksak niyang palaso, kitang-kita sa mukha ni Dan ang sakit ng paghugot na iyon.
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mistério / SuspenseThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.