Dan's POV
"Uy. Paabot naman nung tape!"
"Yung gunting nga!"
"Yung mga costumes?"
Halos lahat kami aligaga at nagmamadali para matapos ang booth namin. Ang photo booth.
Labing dalawang estudyante samin ang gumagawa ng special booth. Hindi pa namin alam kung anong booth yun pero mukhang sikreto nga at mabusisi.
Kasama nga pala dun ang babaeng hinahangaan ko.
Hindi ko pa masasabing pagmamahal na tong nararamdaman ko pero malakas ang epekto niya sakin.
Parang gusto ko sya palaging protektahan lalo na ngayon na lapitin siya ng kapahamakan.
"Dan! Pakuha nga nung gagawin nating background" sigaw ni Shan sakin. Lumapit ako sa ginawa naming background para sa magiging photo booth namin.
Malapit na kami matapos.
Nanliit ang mata ko upang suriin ang kulay pula na tumutulo sa background namin.
"D-dugo." Nanlalaking mata kong sabi. Sariwa pa at tumutulo ang dugong yon.
"Ano?" Sabi ni Jeizzelle. Tumalon ang pusang hawak hawak niya at dinilaan ang dugong tumutulo sa plywood na background namin.
Napatingin ako kay Mariel nang tumawa sya habang papalapit samin.
"HAHAHAHA. May mamamatay na naman."
Napangisi si Jeizzelle dahil sa sinabi ni Mariel. Kinuha niya ang pusa niya saka tumalikod at nagsimula nang maglakad palayo.
Narinig ko pa syang bumulong pero di ko naintindihan. Baka kinakausap na naman niya ang pusa niya.
Naglapitan ang iba rito nang mapansin kong nandito na rin pala ang iba na gumagawa ng special booth pero wala pa si Karl, Ashley, Robert at Rosella. Shit. Baka isa na naman sa kanila ang mapahamak!
Patakbo akong umalis sa kumpulan nila at hinanap ang apat na nagpapakabayani.
Shit.
Habang tumatakbo ako iniisip ko parin kung saan ba nanggaling ang dugong yun!
*********
Jeizzelle's POV
"Justine, may mamamatay na naman ba?" Pagkatalikod ko kay Dan at sa playwood na may tumutulong dugo agad akong bumulong.
Tumingin ako sa direksyon kung nasaan si Quencie at Alex. Sila ba?
Napadiin ang hawak ko sa pusa kong itim kaya nagpumilit itong kumawala.
Bakit ganito? Nakararamdam ako ng pagkirot at panghihina sa puso ko. Sinamaan ko ng tingin si Quencie na masayang nakikipagkwentuhan kay Alex.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Nasasaktan ako.
"Hahahaha. Jeizzelle, pustahan ulit tayo kung sino ang susunod na mamamatay!" Masayang alok sakin ni Mariel. Ngumiti ako sa kanya.
"Sige ba, pero mukhang ikaw na naman ang mananalo e."lagi syang nagaaya ng pustahan sa kung sino ang susunod na mamamatay.
Lagi naman din syang nananalo.
"Anong pusta mo? Ako ganon parin. Gusto ko ng voodoo doll na naliligo sa dugo. Hihi. Ikaw ba?" Tumingin ako nang diretsyo sa mga mata niya.
"Gusto ko, kung ako ang mananalo,ang ibibigay mo sakin ay ang...." huminto muna ako at tumingin sa kanya. "Gusto ko ang...puso ng taong yun."
BINABASA MO ANG
IX-Einstein : The Pilot Section
Mystery / ThrillerThe Section You Will Never Forget... Ito ang section na napakaraming sikreto. Sikreto na maaaring pumatay sa'yo.